Lungsod ng Ukraine, napalaya mula sa Russia

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

KHERSON, Ukraine – Ang mga sibilyang Ukrainian sa Kherson ay nagpahayag ng kagalakan noong Sabado kasunod ng paglaya ng kanilang lungsod mula sa pananakop ng Russia.

Ang mga residente sa mga bayan at nayon kung saan dumaan ang mga Ukrainian troop patungo sa Kherson ay nagpasaya sa mga sundalo at binigyan sila ng mga bulaklak upang ipakita ang kanilang kaligayahan at pasasalamat.

We are happy welcoming our troops back here. Under Russian occupation, we couldn’t even freely roam around,” aniya.

Sinabi ni Valentia Bogayeva, 61, na labis na natutuwa ang mga tao sa pagbabalik ng mga sundalong Ukrainian sa lungsod.

For the last two days, we didn’t go home to welcome our soldiers. We embrace soldiers we meet and give them flowers,” wika niya.

Nagsimulang pumasok ang militar ng Ukraine sa katimugang lungsod ng Kherson noong Biyernes matapos ang pag-alis ng Russia sa rehiyon.

Pinuri ito ni Pangulong Volodymyr Zelenskyy at ng mga pinuno ng mga bansa sa kanluran bilang isang pangunahing tagumpay ng Ukraine.

Sinabi rin ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan na ang desisyon ng Russia na mag-withdraw ay “positibo at mahalaga.”

LATEST

LATEST

TRENDING