Marcos, dadalo sa National ICT Summit sa Miyerkules

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nakatakdang dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos sa National Information and Communications Technology (ICT) Summit 2022 sa Manila Hotel sa Miyerkules.

Ang kanyang pagdalo sa national ICT summit ngayong taon ay naaayon sa hangarin ng kanyang administrasyon na ituloy ang digitalization at technological innovations, sinabi ng Office of the Press Secretary officer-in-charge Undersecretary Cheloy Garafil sa isang pahayag.

The Marcos Administration has been pursuing digitalization and technological innovations to enhance the delivery of public services and create various employment and investment opportunities,” wika ni Garafil.

The President has also repeatedly stressed the need to adopt digital technologies to bolster the Philippines’ post-pandemic recovery,” dagdag niya.

Sinabi ni Garafil na makakasama ni Marcos si Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy.

Si Marcos, idinagdag ni Garafil, ay inaasahang pangungunahan din ang awarding ceremonies para sa mga kalahok sa summit.

Ang ICT summit ngayong taon ay may temang, “Toward a Citizen-Centric, Inclusive and Sustainable eGovernance Ecosystem #BuildBetterMore”.

Ang kaganapan ay dadaluhan ng mga opisyal at tauhan ng DICT, mga opisyal at miyembro ng Chief Information Officers Forum (CIOF) Foundation, mga kinatawan mula sa akademya at pribadong sektor, at mga opisyal ng pambansa at lokal na pamahalaan.

Inaasahan ding dadalo sa summit sina Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Lilia Guillermo, Department of Budget and Management Assistant Secretary at CIOF Inc. president Clarito Alejandro Magsino, CIOF Foundation Inc. president Cynthia Topacio, at CIOF Foundation Inc. chairperson George Kintanar ay inaasahang dadalo din sa summit.

Sa kanyang unang State of the Nation Address na binigkas noong Hulyo 25, hiniling ni Marcos sa Kongreso na ipasa ang panukalang E-Governance Act na nagsusulong ng paggamit ng internet, intranet at iba pang ICT upang magbigay ng pagkakataon sa mga mamamayan.

Layunin ng gobyerno na gawing digital ang mga serbisyo ng mga kagawaran at tanggapan ng estado na gawing episyente ang burukrasya at umunlad ang ekonomiya ng Pilipinas.

LATEST

LATEST

TRENDING