DOH, iniulat ang 11,995 bagong kaso ng Covid-19 nitong nakaraang linggo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ipinahayag ng Department of Health (DOH) noong Lunes na may kabuuang 11,995 na bagong kaso ng Covid-19 ang naiulat noong nakaraang linggo.

Sa weekly case bulletin ng DOH, binanggit nito na ang daily average cases ay nasa 1,714 na 22 porsiyentong mas mababa kaysa sa mga kaso mula Oktubre 10 hanggang Oktubre 16.

Nakapagtala rin ang DOH ng apat na kaso na na-tag sa ilalim ng malala at kritikal na impeksyon sa Covid-19. Sa kasalukuyan ay mayroong 650 malubha at kritikal na Covid-19 admissions na binubuo ng siyam na porsiyento ng kabuuang Covid-19 admissions.

Sa kabilang banda, 581 o 23.1 porsiyento sa 2,520 Intensive Care Unit (ICU) beds ang ginagamit habang 5,666 o 26.4 porsiyento sa 21,474 non-ICU beds ang ginagamit.

Samantala, iniulat ng DOH ang 272 karagdagang pagkamatay dahil sa Covid-19, 26 dito ay naganap sa pagitan ng Oktubre 10 hanggang Oktubre 23.

Sa 272 na pagkamatay, 28 ang naganap noong Oktubre 2022, tatlo noong Setyembre 2022, tatlo noong Agosto 2022, isa noong Enero 2022, 186 noong Agosto 2021, 14 noong Hulyo 2021, 19 noong Mayo 2021, at 18 noong Abril 2021.

Para naman sa Covid-19 vaccination, kasalukuyang nasa 73,482,574 katao ang ganap na nabakunahan habang 20,472,983 ang nakatanggap ng booster doses.

LATEST

LATEST

TRENDING