AFP pinangalanan ang bagong JTF-NCR commander

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inihayag noong Lunes ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagtatalaga kay Col. Alexei Musñgi bilang Joint Task Force-National Capital Region (JTF-NCR) commander.

Pinalitan niya si Brig. Gen. Marceliano Teofilo na nanunungkulan sa Intelligence Service ng AFP noong Hulyo.

Pinangunahan ni AFP chief Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro ang change-of-command ceremony sa AFP Commissioned Officers Club sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Col. Musñgi previously served as the commander of the 1002nd Infantry Brigade. He was also the assistant chief-of-staff for operations, G-3, Philippine Army, and commander of the 48th Infantry Battalion,” wika ni AFP public affairs office chief Col. Jorry Baclor sa isang pahayag.

Binigyang-diin ni Bacarro, sa kanyang mensahe, ang kahalagahan ng JTF-NCR at ng commander nito sa pangkalahatang katatagan at pag-unlad ng bansa.

Handling this immense responsibility entails expertise in security operations, intelligence, and inter-agency collaboration in order to address multi-faceted security concerns and promptly respond to emergencies,” dagdag niya.

Nagpahayag din ng kumpiyansa si Bacarro na kaya ni Musñgi na pangunahan ang JTF-NCR sa pagiging kumplikado ng security environment ng Metro Manila.

His wealth of knowledge in intelligence, operations, and civil-military engagements, training, and personnel management shall enhance JTF-NCR’s capabilities in performing various roles in keeping the security and stability of Metro Manila,” wika niya. 

LATEST

LATEST

TRENDING