DOH: One Health Pass ginawang eArrival card

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na ang One Health Pass (OHP) ay pinalitan ng bagong electronic arrival (eArrival) card matapos makatanggap ng ilang reklamo mula sa mga biyahero.

Ito ang desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), ani DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire.

Sinabi ni Vergeire na ang OHP ay humihiling ng masyadong maraming data mula sa mga manlalakbay. Gayundin, hindi pinapayagan ang mga manlalakbay na sumakay sa eroplano kung hindi nila i-upload ang kanilang OHP.

Sinabi ng opisyal ng Kalusugan na ang eArrival card ay mas maginhawa para sa mga manlalakbay.

Kakaunting datos nalang ang nakalagay diyan. Wala na pong masyadong hinihingi na requirements. Pangalawa, kung hindi mo ma upload yan, meron tayong special lane sa ating mga airports kung saan pagdating mo, ia-assist ka nila, doon ka magu-upload, at doon mo makukuha ang eArrival card mo,” wika ni Vergeire.

Sinabi ni Vergeire na ang layunin ng OHP ay pareho din sa eArrival card.

Hindi po nawala ang objective ng One Health Pass with this transition to the eArrival card. Kung ano mang datos ang kailangan natin prior to this na nasa One Health Pass, kinukuha pa rin natin — two major details: the travel details and the profile of the individual which includes the vaccination status,” wika niya.

Kamakailan, hiniling ng DOH sa Bureau of Quarantine (BOQ) na suriin ang mga detalye tungkol sa OHP.

Nanawagan din si Senador Nancy Binay na tanggalin ang OHP sa gitna ng dumaraming reklamo mula sa mga biyahero dahil sa abala ng screening system.

Hiniling ni Binay sa mga ahensyang kinauukulan na tingnan ang pagpapasimple sa mga prosesong kailangang pagdaanan ng mga bisita habang ang industriya ng turismo ay tinitingnan ang pagbangon mula sa pandemya. Idinagdag niya na ilang “overseas Filipino workers ang nagrereklamo na ang proseso ng pag-verify ng OHP ay humantong sa mahabang pila sa mga paliparan sa bansa.”

LATEST

LATEST

TRENDING