DAR, hinahangad na isama ang ARBs sa medical aid program ng gobyerno

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA  — Hinihiling ng Department of Agrarian Reform (DAR) na maisama ang mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa medical assistance program ng gobyerno.

Sa isang pahayag nitong Miyerkules, sinabi ni DAR Secretary Conrado Estrella III na bukod sa agrarian reform program para sa mga magsasaka, tinitingnan din ng departamento ang mga pangangailangan ng mga magsasaka sa buong bansa, na kasama sa nine-point priority areas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni Estrella na iminungkahi niya kay Marcos sa isa sa mga pulong ng Gabinete ang posibilidad na isama ang mga ARB sa saklaw ng Department of Health (DOH) bilang mga tatanggap ng programang Medical Assistance for Indigent Patient (MAIP).

Ang MAIP ay isang patuloy na programa ng DOH na naglalayong magbigay ng tulong medikal para sa mga pasyenteng naghahanap ng konsultasyon, rehabilitasyon, pagsusuri, o mga naka-confine sa mga ospital ng gobyerno.

Farmers usually resort to borrowing money each time one of their family members gets sick,” wika niya.

Sinabi ni Estrella na tinitingnan ng DAR ang mas komprehensibong suporta para sa mga magsasaka, ARBs, at agrarian reform beneficiaries organization (ARBOs), sa pakikipagtulungan sa iba pang pambansang ahensya, upang makatulong man lang sa pagpapagaan ng mga pasanin sa balikat ng mga magsasaka.

Aniya, karamihan sa mga ARB ay kabilang sa marginalized sector ng lipunan at sa tingin ng DAR ay nararapat na tulungan silang tugunan ang kanilang mga medikal na alalahanin.

Aside from providing solutions to the problems in the security of land tenure, agrarian justice delivery, and provision of support services, we are also taking into consideration the other burdens being carried out by the ARBs,” dagdag niya.

LATEST

LATEST

TRENDING