NDRRMC: Populasyon na apektado ng ‘Karding’ malapit na sa 1 milyon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA – Umakyat na sa 911,404 o katumbas ng 245,063 pamilya sa pitong rehiyon ang bilang ng mga indibidwal na apektado ng Super Typhoon Karding, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes.

Ang mga indibidwal na ito ay mula sa 1,759 na mga barangay sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, at Cordillera Administrative Region (CAR).

921 na pamilya na lamang ang nakasilong ngayon sa 27 evacuation centers at ang natira ay umuwi o naghahanap ng masisilungan kasama ang pamilya at mga kaibigan.

Umakyat na sa 12 ang nasawi sa bagyo at anim ang nawawala.

Sa mga nasawi, walo ang na-verify — lima sa San Miguel at isa sa Baliwag sa lalawigan ng Bulacan; isa sa Zambales at isa sa Burdeos, Quezon. Ang apat na iba pang pagkamatay ay patuloy pa ring bini-validate — dalawa sa Tanay, Rizal; isa sa Antipolo City at isa sa Zambales.

Naghihintay pa rin ng kumpirmasyon ang ulat ng limang nawawalang tao sa Mercedes, Camarines Norte at isa sa Patnanungan, Quezon.

Nasa 59,916 ang mga nasirang bahay sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon at CAR.

Kasama sa bilang ang 50,025 bahagyang nasira na mga bahay at 6,891 ganap na nasira na mga bahay.

LATEST

LATEST

TRENDING