DOH: Mahigit 2000 kaso ng Covid-19 ang naitala

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA – Muling nakapagtala ang Pilipinas ng mahigit 2,000 bagong kaso ng Covid-19, iniulat ng Department of Health (DOH) noong Huwebes, Setyembre 29.

May kabuuang 2,536 pang katao ang nahawa ng Covid-19, ayon sa pinakahuling datos ng DOH.

Ito ay matapos makapagtala ang bansa ng mas mababa sa 2,000 kaso noong Setyembre 27 at 28.

Ang aktibong kaso ng bansa ay tumaas sa 28,172, ayon sa DOH.

Naitala pa rin sa Metro Manila ang pinakamaraming kaso nitong nakaraang dalawang linggo na may 13,962. Sinundan ito ng Calabarzon na may 5,307, Central Luzon na may 2,794, Davao Region na may 1,323, at Western Visayas na may 808.

Nasa ilalim ng moderate risk case classification ang Metro Manila para sa Covid-19 dahil patuloy itong tumataas sa bilang ng mga impeksyon, iniulat ng DOH.

Anim na lugar sa capital region ang nakakaranas din ng pagtaas ng kanilang mga Covid-19 hospital admission. Ang mga lugar na ito ay Pasig, Muntinlupa, Malabon, Makati, Navotas, at Caloocan City.

Ang caseload ng bansa ay umabot sa 3.9 milyon, kabilang ang 3.8 na paggaling at 62,916 na pagkamatay.

To continue our march towards the new normal, let us continue to adhere to our minimum public health standards such as wearing the best-fitting mask, isolating when sick, doubling up protection through vaccines, and ensuring good airflow,” wika ng DOH.

LATEST

LATEST

TRENDING