Hurricane Ian, magla-landfall sa US bilang Category 4 na bagyo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

WASHINGTON – Inihayag ng National Hurricane Center na nag-landfall ang Hurricane Ian noong Miyerkules malapit sa southwestern Cayo Costa state park ng Florida bilang isang “lubhang mapanganib” Category 4 na bagyo.

Si Ian ay nagtataglay ng maximum sustained winds na 150 miles per hour (241 kph), bahagyang bumaba mula sa 155 mph (249 kph) na hangin na naitala ilang oras lang ang nakalipas.

Nagbabala ang mga awtoridad ng US noong Miyerkules na ang hurricane Ian ay nakatakdang magdala ng malawakang pagkawasak sa mga bahagi ng Florida habang ito ay humahangos patungo sa timog-silangang estado.

I wish this wasn’t a forecast that I had to deliver. I wish this wasn’t a forecast that’s about to come true,” wika ni National Weather Service (NWS) Director Ken Graham, nagbabala na ang mga epekto ng hurricane Ian ay magiging mapangwasak malayo sa mga lugar sa baybayin kung saan inaasahang magla-landfall ang bagyo.

This is going to be a storm we talk about for many years to come. It’s a historic event,” dagdag niya.

Ang storm surge na nagreresulta mula sa bagyo ay inaasahang magtataas ng antas ng tubig 12 hanggang 18 talampakan (3.7 hanggang 5.5 metro) sa itaas ng antas ng lupa na sinamahan ng “mapanirang” alon sa kahabaan ng timog-kanlurang baybayin ng Florida.

Ang lakas ng hangin ng bagyo ay inaasahang aabot sa “well inland,” ayon sa National Weather Service, na higit pang nagbabala na ang malakas na pag-ulan ay inaasahan sa buong peninsula ng Florida hanggang Huwebes.

Magpapatuloy ang mga pag-ulan sa timog-silangan ng US hanggang sa katapusan ng linggo.

Widespread, life-threatening catastrophic flooding is expected across portions of central FL (Florida) with considerable flooding in southern FL, northern FL, southeastern GA (Georgia) and coastal SC (South Carolina). Widespread, prolonged major river flooding expected across central FL,” isinulat nito sa Twitter.

LATEST

LATEST

TRENDING