PAGASA: Bagyong ‘Karding’ nananatiling malakas, inaasahang lalabas ng PAR Lunes ng gabi

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA – Napanatili ng Bagyong Karding (internasyonal na pangalan: Noru) ang lakas nito habang lumalayo ito sa Luzon nitong Lunes ng umaga, Setyembre 26.

Ayon sa 8 a.m. bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan si Karding sa layong 190 kilometro (km) kanluran ng Dagupan City sa Pangasinan, at inaasahang lalabas sa area of responsibility ng bansa sa Lunes ng gabi.

Napanatili nito ang maximum sustained winds na 140 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 170 kph.

Nananatiling nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa kanlurang bahagi ng Pangasinan at hilagang bahagi ng Zambales, habang nakataas pa rin ang Signal No. 1 sa La Union, ang natitirang bahagi ng Pangasinan, katimugang bahagi ng Benguet, ang natitirang bahagi ng Zambales, hilagang bahagi ng Bataan, Tarlac, Pampanga, at kanlurang bahagi ng Nueva Ecija.

Gale-force conditions remain possible within any of the areas where Wind Signal No. 2 is hoisted, while strong winds—strong breeze to near gale strength—may still be experienced within any of the areas where Wind Signal No. 1 is currently in effect,” isinaad ng PAGASA.

Bukod dito, ang katamtaman hanggang sa matinding pag-ulan ay maaaring magpatuloy sa Zambales, Bataan, at Lubang Islands.

Mahina hanggang sa malakas na pag-ulan din ang makararanas sa kanlurang bahagi ng Pangasinan.

Under these conditions, scattered flooding and rain-induced landslides are still possible, especially in areas that are highly or very highly susceptible to these hazards as identified in hazard maps and in localities with significant antecedent rainfall,” wika ng PAGASA.

Idinagdag nito na posible ang paminsan-minsang pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas sa susunod na 24 oras dahil sa habagat o habagat na pinahusay ni Karding.

LATEST

LATEST

TRENDING