Palasyo: PH nakatanggap ng ‘preliminary’ investment pledges

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA – Nagkaroon ng “paunang mga pangako” mula sa mga kumpanya ng Estados Unidos na mamuhunan sa Pilipinas, ipinahayag ng Malacañang noong Huwebes.

Nabuo ito matapos magsagawa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng isang serye ng mga diyalogo at magkakahiwalay na pagpupulong sa mga American business leader sa kanyang anim na araw na pagbisita sa US.

Sa isang press conference sa New York City, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na ang mga pakikipag-usap sa mga potensyal na mamumuhunan ng US ay “exploratory.”

Actually, ang ginagawa natin dito tinutulak natin ano kahit ngayon marami ng investments. There’s a marked increase. Siyempre post-pandemic ito, minamadali natin at gusto natin mas marami ang mag-invest,” wika niya.

But primarily most of these talks are exploratory. Tinitingnan natin ‘yung mga potential partnerships. Mayroong iba na nagbibigay na ng preliminary commitments,” dagdag ni Cruz-Angeles. 

Sa New York Stock Exchange Economic Forum noong Martes (Manila time), hinikayat ni Marcos ang mga American business leader na magnegosyo sa Pilipinas, na tiniyak sa kanila na ang bansa ay may matatag na ekonomiya.

Sinabi rin niya na ang Pilipinas ang “matalinong” destinasyon ng pamumuhunan, dahil sa muling pagbangon nito sa ekonomiya.

Sinabi ni Cruz-Angeles na ang gobyerno ay tiwala na ang paglalakbay ni Marcos sa US ay magbubunga ng maraming investment deal.

Right now, there is an air of optimism and we are hoping that it can be delivered kumbaga as soon as possible,” wika ni Cruz-Angeles.

Gusto nilang mag-invest kasi nandiyan na ‘yung fundamentals natin. Naayos natin ang tax system, maganda ‘yung ekonomiya, masipag ang mga tao. And the system is ripe now for more investment,” dagdag niya.

Si Marcos noong Martes (Manila time) ay nagsagawa ng hiwalay na pagpupulong sa malalaking kumpanya ng US, kabilang ang NuScale Power, WasteFuel, at Boeing, upang palakasin ang sektor ng aviation at enerhiya sa Pilipinas.

Sa kanyang ika-apat na araw sa US, nakipagpulong siya sa mga executive ng American global food corporation na Cargill upang talakayin ang mga paraan upang matamo ang food security at self-sufficiency, gayundin ang pagpapalakas ng produktibidad ng agrikultura sa Pilipinas. 

Nagsagawa rin siya ng business dialogue kasama ang mga miyembro ng US-Association of Southeast Asian Nations (Asean) Business Council at US Chamber of Commerce. 

Nakipagpulong din si Marcos sa mga world leader tulad nina US President Joe Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa sideline ng kanyang partisipasyon sa United Nations General Assembly.

LATEST

LATEST

TRENDING