LTO, paiigtingin ang random inspection, drug test sa mga PUV driver

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA – Paiigtingin pa ng Land Transportation Office (LTO) ang kanilang inspeksyon sa mga land terminal at magsagawa ng random drug test sa mga driver ng public utility vehicles (PUV) bilang bahagi ng mandato nito na tiyakin ang kaligtasan ng mga road user.

Sa Facebook post nitong Huwebes, sinabi ng LTO na ang pagsisikap ay alinsunod sa Section 15 ng Republic Act (RA) No. 10856, o ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013.

This is part of the LTO’s objective to ensure the safety of road users, especially the riding public, so they will not become victims of road crash incidents,” isinaad nito.

Ang mga driver na mapapatunayang nasa ilalim ng impluwensya ng alkohol o ilegal na droga ay kukumpiskahin ang kanilang lisensya sa pagmamaneho at kakailanganing sumailalim sa drug rehabilitation.

Mula Enero hanggang Agosto nitong taon lamang, may kabuuang 558 na aksidente sa kalsada ang naitala ng Law Enforcement Service – Anti-Drunk and Drugged Driving Enforcement Unit (LES-ADDDEU) ng LTO.

Sa panahong ito, may kabuuang 476 na driver ang nagpositibo sa pagkalasing sa alak, na nagresulta sa 17 na nasawi at 281 ang nasugatan.

The LES-ADDDEU placed the driver’s licenses of the drivers involved in these incidents who tested positive for alcoholic intoxication under alarm and preventive suspension for 90 days pending the issuance of an LTO resolution to determine the administrative sanctions and corresponding penalties that will be imposed on the violators,” isinaad nito.

Nakasaad sa Seksyon 5 ng RA 10856 na “labag sa batas para sa sinumang tao na magmaneho ng sasakyang de-motor habang nasa ilalim ng impluwensya ng alkohol, mapanganib na droga, at iba pang katulad na substance.”

Sa kabilang banda, ipinag-uutos ng Section 7 ng batas ang pagsasagawa ng alcohol at chemical testing, kabilang ang drug screening tests at drug confirmatory tests ng mga motor vehicle drivers na sangkot sa mga motor vehicular accidents, lalo na kung ang aksidente ay nagdulot ng pagkawala ng buhay ng tao o physical injuries.

LATEST

LATEST

TRENDING