Marcos, pinuri ang PH Powerlifting team sa pagkapanalo sa SEA Cup

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Pinuri ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Miyerkules ang Philippine Powerlifting Team para sa kanilang matagumpay na pagkapanalo sa 2022 Southeast Asian Cup sa Johor Bahru, Malaysia.

“Iba ang lakas ng Pilipino! Ating binibigyang-pugay ang mga atletang Pilipino na lumahok sa Men’s and Women’s Open and Junior category ng 2022 Southeast Asian Cup sa bansang Malaysia,” wika ni Marcos sa kanyang opisyal na Facebook page.

Nasungkit ng Filipino team ang 78 medalya — 44 gold, 17 silver, 17 bronze — sa Men’s and Women’s Open at Junior categories.

“Maraming salamat sa karangalang inyong nakamit para sa ating bansa. Mabuhay kayo at lahat ng atletang Pilipino,” dagdag niya.

Sinabi naman ni Powerlifting Association of the Philippines president Eddie Torres, na may ideya na ang Filipino team kung paano sila gaganap batay sa mga nominasyon.

We did pretty good as expected but still kahit na expected very happy tayo diyan sa resulta,” aniya sa isang panayam sa PTV-4.

Sinabi ni Torres na ang performance ng Philippine Powerlifting Team kamakailan ay nagpapakita na ang bansa ay isa sa mga “powerhouses” sa powerlifting.

Sa kasalukuyan, ang Philippine Powerlifting Team ay naghahanda para sa Asian Championships sa Disyembre.

Ang SEA Cup, na ginanap mula Setyembre 15 hanggang 18, ay inorganisa ng International Powerlifting Federation, Asian Powerlifting Federation, at Malaysian Association for Powerlifting.

Ang Powerlifting ay isang barbell strength sport na umiikot sa pag-angat ng pinakamaraming timbang sa Squat, Bench Press, at Deadlift.

LATEST

LATEST

TRENDING