
MANILA – Tinupad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang pangako na aalisin ang pasanin ng mga magsasaka sa kanilang mga utang sa pamamagitan ng paglagda sa isang executive order (EO) na nagpapataw ng isang taon na moratorium sa pagbabayad ng amortization ng lupa at mga pagbabayad ng interes.
Sa isang press release, inihayag ng Department of Agrarian Reform (DAR) na nilagdaan ni Marcos ang EO nitong Martes, na araw ding ipinagdiriwang niya ang kanyang ika-65 na kaarawan.
“Marcos, Jr. today signed the Executive Order imposing a year-long moratorium on payments on the annual amortization and interest payments of ARBs for agricultural lands distributed under the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP),” wika ng DAR.
Sinabi ni DAR Secretary Conrado Estrella III na nilagdaan ang EO bilang paghahanda sa posibleng pagpasa ng isang batas na magpapaubaya sa hindi nabayarang amortisasyon at interes ng agrarian reform beneficiaries (ARBs).
“We always think about the farmers’ welfare. The one-year moratorium and condonation of farmers’ loan payment will lead to freedom of farmers from debts,” isinaad ni Estrella.
Nagpahayag din siya ng kagustuhang makipagtulungan sa Kongreso sa pag-amyenda sa Section 26 ng Republic Act 6657 o ang Comprehensive Agrarian Reform Law of 1988.
Noong unang State of the Nation Address (SONA) ni Marcos kung saan inihayag niya na balak niyang maglabas ng EO para magpataw ng isang taon na moratorium sa pagbabayad ng amortisasyon ng lupa at mga pagbabayad ng interes.
“A moratorium will give the farmers the ability to channel their resources in developing their farms, maximizing their capacity to produce, and propel the growth of our economy,” wika ni Marcos sa kanyang SONA noong Hulyo 25.
Umapela din si Marcos sa Kongreso na magpasa ng batas na mag-aamyenda sa Section 26 ng RA 6657 dahil nakikita itong magpapalaya sa mga ARB sa utang.
“In this law, the loans of agrarian reform beneficiaries with unpaid amortization and interest shall be condoned,” aniya.
Ang mga ARB na nakatakdang tumanggap ng kanilang iginawad na lupa sa ilalim ng CARP ay tatanggap nito “nang walang anumang obligasyon na magbayad ng anumang amortisasyon,” dagdag niya.
Sinabi ni Marcos na ang condonation ng umiiral na agrarian reform loan ay sasakupin ng PHP58.125 bilyon.
Makikinabang din dito ang 654,000 ARBs na kinasasangkutan ng kabuuang 1.18 milyong ektarya ng mga iginawad na lupain.
Sa ilalim ng EO 75, lahat ng ahensya ng gobyerno, kawanihan, departamento at instrumentalidad ay ibigay ang mga lupang pang-agrikultura sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng repormang agraryo.
Sa kasalukuyan, ang pamahalaan ay may kabuuang 52,000 ektarya ng hindi nagamit na mga lupang pang-agrikultura na ipapamahagi sa mga walang lupang beterano ng digmaan, mga nabubuhay na asawang walang lupa at mga ulila ng mga beterano ng digmaan, at mga walang lupang retirado ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.
Ang mga nagtapos ng kolehiyo sa agrikultura na walang lupa ay makikinabang din sa mga lupang pang-agrikultura na nakuha sa pamamagitan ng EO 75.