OCTA: Positivity rate ng NCR Covid-19, tumaas sa 12.7%

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ang positivity rate, ang bilang ng mga taong sumailalim sa Covid-19 testing, sa National Capital Region (NCR) ay tumaas sa 12.7 porsiyento noong Setyembre 7, inihayag ng OCTA Research Group noong Huwebes.

Sa isang televised public briefing, binanggit ng OCTA Research Group fellow na si Dr. Butch Ong na ang bilang ay 0.6 porsiyentong pagtaas mula sa 12.1 porsiyentong positivity rate ng NCR noong Setyembre 3.

“Siyempre sa increased mobility ng ating mga kababayan sa communities nila ‘no, maaari din dahil siyempre mas marami na ang tao sa labas at pumapasok sa opisina, sa paaralan,” aniya.

Gayunpaman, ang positivity rate ng NCR ay nasa downtrend sa nakalipas na ilang linggo bago ito bahagyang tumaas, idinagdag niya.

Noong Setyembre 7, ang positivity rate ng bansa ay 11.6 porsiyento, na may 1,750 bagong kaso, 49 na nasawi, at 2,025 ang gumaling ang naiulat.

Mayroong 22,899 na aktibong kaso.

So, hinihikayat natin na kahit sa paaralan ay i-maintain pa rin natin ang ating mga precautionary or safety measures against Covid-19 [coronavirus disease 2019] para hindi lalong umakyat ang ating mga numbers,” wika ni Ong.

LATEST

LATEST

TRENDING