PH, China may ‘initial discussion’ na sa WPS joint oil exploration

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong Lunes na sa ngayon ay nakagawa na ng “initial at general discussion” ang Pilipinas at China sa posibleng joint oil at gas exploration sa West Philippine Sea (WPS) ngunit hindi pa umuusad sa “working-level talk”.

Sa isang pahayag, sinabi ng DFA na ang mga naturang paksa ay tinalakay sa mga pagbisita nina China State Councilor at Foreign Minister Wang Yi at International Department Central Committee of the Communist Party of China Minister Liu Jianchao noong Hulyo at Agosto.

The official talks have not gone beyond initial discussions, which were done during the visits,” inihayag nito.

Ang posibleng joint exploration, sinabi nito, ay dati nang itinaas ng China, kung saan ang Pilipinas ay “bukas sa muling pagsisimula ng mga negosasyon” hangga’t ang mga talakayan ay “nasasailalim sa mga limitasyon na itinakda sa 1987 Constitution of the Republic of the Philippines.”

Sinabi nito na nais ng administrasyong Marcos na “buuin ang mga tagumpay na naabot sa prinsipyo ng ating mga predecessor” sa ilalim ng isang bago at pinagkasunduang balangkas.

The Philippines approaches these matters with our national interest in mind, embodied in the Philippine Constitution. All our endeavors on this issue will respect international law, including the 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea, and the 2016 Arbitration Award,” isinaad nito.

Pinalis nito ang mga ulat na nais ng China na magkaroon ng 50-50 profit sharing sa naturang joint project.

As we are still in the initial stages, it is too early to discuss profit sharing at this point,” wika nito.

Sa ngayon, ang DFA ay patuloy na “ginagalugad ang lahat ng paraan ng pakikipagtulungan” na maaaring maging kapaki-pakinabang sa isa’t isa.

This matter only comprises one aspect of Philippines-China relations; as such, the Department will continue to coordinate with the concerned national agencies and our Chinese counterparts on developing our relations,” isinaad nito.

Nauna rito, pinayuhan ni dating DFA secretary Albert del Rosario na ituloy ng administrasyong Marcos ang oil at gas exploration sa WPS nang hindi na muling sinisimulan ang joint exploration talks sa China dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng enerhiya sa international market.

Sinabi ni Del Rosario na ang Pilipinas ay maaaring kumuha ng inspirasyon mula sa Malaysia at Indonesia, na parehong nagpadala ng mga drilling ship sa kani-kanilang teritoryo sa kabila ng pakikitalunan ng China.

Si Senator Robinhood Padilla, sa isang privilege speech nitong Lunes, ay hinimok din ang kanyang mga kasamahan na pag-aralan ang posibilidad ng joint development sa WPS.

Naalala niya na noong nagpunta siya sa WPS noong nakaraang taon kasama ang mga kinatawan ng Philippine Coast Guard at mga mangingisda sakay ng isang fishing vessel, nakita nila ang ilang malalaking Chinese vessel at isang Vietnamese vessel malapit sa Reed (Recto) Bank, na nasa loob umano ng territorial water at exclusive economic zone ng Pilipinas.

Inihain ni Padilla ang Senate Resolution No. 9 para simulan ang joint oil exploration.

Ang sa ganang akin naman po ay isang mapagkumbabang panawagan na maging bukas tayo sa abot ng ating makakaya sa mga pamamaraang nakikita natin na maaaring makatulong upang maiwasan ang nararamdamang sakit ng ating bayan, lalo ang naghihikahos nating mga kababayan,” aniya sa kanyang privilege speech.

LATEST

LATEST

TRENDING