
MANILA – Ipinahayag ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado Estrella III na ang pagpapabuti ng ekonomiya ng buhay ng mga magsasaka ay isa sa mga prayoridad ng administrasyong Marcos.
Sinabi ni Estrella na totoo sa sinabi ng Punong Ehekutibo, pipirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Executive Order (EO) na magpapataw ng moratorium sa pagbabayad ng amortizations fees at interest loan ng agrarian reform beneficiaries (ARBs), upang suportahan ang pinaigting na probisyon ng mga support service at mapabilis ang pamamahagi ng lahat ng mga lupaing pag-aari ng gobyerno.
Aniya, pipirmahan ang EO kapag naging 65 anyos na si Marcos sa Setyembre 13 bilang bahagi ng kanyang pangako sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA).
“I trust the wisdom of the President. The money of the ARBs that will be spent for their debts and other obligations will be used instead for other agricultural ventures. They can use that as additional capital for greater agricultural production,” wika ni Estrella sa kamakailang pagdinig ng panukalang badyet na PHP15.85-bilyon ng ahensya para sa taong 2023.
Sinabi ni Estrella na inulit ang panawagan ni Marcos na pagbigyan ang mga bayarin sa amortization ng lupa ng ARBs.
“I have a continuous talk with the members of the House and the Senate, and I think they are going to support this measure as it is expected to benefit the ARBs nationwide,” wika ni Estrella.
Sa pamamagitan din aniya ng condonation, ang ARBs ay magiging walang utang at ang kanilang mga sakahan, bilang kanilang personal na asset, ay maaaring gamitin bilang collateral o isang negotiable instrument na kapaki-pakinabang lalo na sa mga makakakuha lamang ng maliit na bahagi ng lupa.
Sinabi ni Estrella na sinusuportahan din ni Marcos ang hangarin ng departamento na paigtingin ang pagbibigay nito ng support services tulad ng pagtatayo ng mas maraming pasilidad sa imprastraktura, pagbibigay sa mga magsasaka ng mga makinang pangsaka, kagamitan at mga input, at pagbibigay sa kanila ng iba’t ibang capacity development training.
“Aside from these, we would also include the children of our ARBs in the coverage of the Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education scholarship under the Commission on Higher Education. We would also provide our farmers with medical assistance through our partnership with the Department of Health,” wika niya.
Layunin din ng DAR na ipamahagi ang lahat ng natitirang 256,121 ektarya ng idle government-owned lands, sa ilalim ng Executive Order 75, series of 2019, sa mga farmer-beneficiaries ng Comprehensive Agrarian Reform Program.
Sinabi ni Estrella sa ilalim ng pamumuno ni Marcos, ang DAR, sa susunod na anim na taon, ay target na makamit ang mga sumusunod:
• 80 porsyento o 743,800 ARBs enhanced productivity at family income at maging economically independent at active players,
• 85 porsiyento o 7,800 ARB organizations na may matatag na operasyon ng negosyo, at
• 80 porsiyento o 1,300 Agrarian Reform Communities na may pinabuting business ecosystem at connectivity.