
MANILA – Ipinahayag ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia na isusulong nila ang internet voting para sa mga Pilipino sa ibang bansa.
Sa isang panayam sa telebisyon, isinaad ng poll chief na ang internet voting ay makakatulong na mapataas ang bilang ng mga botante para sa pagboto sa ibang bansa dahil marami sa mga botante ang nahihirapang bumoto nang personal o sa pamamagitan ng postal voting.
“If internet voting will be allowed…we believe that the overseas voter turnout will be higher,” wika ni Garcia.
“During the last elections, the overseas voter turnout was at 29 percent. It would be better if we can provide another alternative,” dagdag niya.
“Certainly, it will be better if we can push for the use of internet voting for Filipinos abroad,” wika ni Garcia.
Ngunit, aniya, palaging magmumula sa Kongreso ang pinal na desisyon.
Nagsagawa ang Comelec ng series test run para sa overseas internet voting noong nakaraang taon.