NDRRMC: Maghanda para sa mga posibleng epekto ng 2 weather system

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nagbabala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Miyerkules sa publiko na maging alerto sa posibleng masamang epekto ng dalawang weather system na nakakaapekto ngayon sa bansa.

Sa panayam ng mga mamamahayag, idinagdag ng tagapagsalita ng NDRRMC at Office of Civil Defense Assistant Secretary na si Bernardo Rafaelito Alejandro IV na kanilang binabantayan ngayon ang posibleng epekto ng Tropical Depression Gardo at Super Typhoon Hinnamnor sa Batanes at iba pang bahagi ng extreme Northern Luzon.

Ang ‘Hinnamnor’ ay bibigyan ng lokal na pangalang ‘Henry’ kapag ito ay pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Let’s monitor lang, makinig sa mga babala sa mga advisory at syempre maghanda din tayo for any eventuality lalo’t malakas, but so far ngayon wala namang landfall na nakikita. Basta ito nga we have time to prepare at sana manatili nalang ganito yang forecast na wag nang lumapit sa atin,” aniya.

Tiniyak naman ni Alejandro na may sapat na relief supplies at pondo ang OCD para makapagbigay ng tulong sa mga posibleng maapektuhan ng epekto ng dalawang weather disturbance.

We have sufficient food items at the DSWD. We also have stockpiled non-food items and we also have money from the QRF which is on standby. We can access it anytime it is needed. We are ready and of course, the LGUs have also prepared their funds. We have enough time to prepare,” dagdag niya.

Sinabi ni Alejandro na maaaring magtaas ang NDRRMC ng “red” o “blue” alert depende sa susunod na weather bulletin na ilalabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Hanggang alas-11 ng umaga nitong Miyerkules, sinabi ng PAGASA na huling natunton si “Gardo” sa layong 1,065 kilometro silangan ng extreme Northern Luzon. Ito ay malamang na hindi direktang makakaapekto sa kondisyon ng panahon sa bansa.

Ito ay tinatayang lilipat sa pangkalahatan north-northwestward o northwestward habang nakikipag-ugnayan sa ‘Hinnamnor’ sa labas ng PAR.

LATEST

LATEST

TRENDING