Marcos, susuriin ang import plan para sa 150K MT ng asukal

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ipinahayag ng Malacañang nitong Martes na ang planong mag-angkat ng humigit-kumulang 150,000 metriko tonelada (MT) ng asukal ay sasailalim pa rin sa pagsusuri ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa isang press conference, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na hindi pa nakakatanggap si Marcos ng kopya ng sugar import plan.

“He (Marcos) will review the [proposed sugar] order prior to signing,” wika ni Cruz-Angeles.

Si Marcos, sa kanyang kamakailang vlog, ay nagpahayag na ang gobyerno ay nagbabalak na mag-import ng 150,000 MT ng asukal, kung ang supply ng bansa ay bababa sa Oktubre.

Tinitingnan ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang pagpapalabas ng kautusan na nagpapahintulot sa pag-import ng 150,000 MT ng asukal sa kalagitnaan ng Setyembre, sinabi ng acting administrator ng sugar body na si John David Alba noong Agosto 25.

Ang importation order, ani Alba, ay makakatulong sa pagpapatatag ng presyo ng asukal sa merkado.

Tinanong kung ang iminungkahing dami ay maaaring mabago, sinabi ni Cruz-Angeles: “Parati naman po itong nire-review. Kung ano ang naangkop na amount, ‘yun ang gagawing quota ng importation.

Nauna nang tinanggihan ni Marcos ang panukalang mag-angkat ng 300,000 MT ng asukal, sa kabila ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sa supply constraints.

Sa kabila ng kanyang hindi pag-apruba, nauna nang nagpalabas ang SRA ng Sugar Order (SO) 4 na nagpapahintulot sa pag-angkat ng 300,000 MT ng asukal.

Ang pagpapalabas ng SO 4 ay tinawag na ilegal ng Malacañang.

Ang mga awtoridad, sa utos ni Marcos, ay nagsasagawa ng sorpresang pagbisita sa mga Customs-bonded sugar warehouse sa bansa upang matukoy kung artipisyal ang sinasabing kakulangan ng suplay ng mga bilihin.

LATEST

LATEST

TRENDING