PNP, iniimbestigahan ang kaso ng 4 na tao na natagpuang patay sa abandonadong sasakyan sa Rizal

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Bumuo ang Philippine National Police (PNP) ng special task force para magsagawa ng mas malalim na imbestigasyon sa pagkamatay ng apat na katao na natagpuan ang bangkay sa loob ng isang kotse na inabandona sa Barangay Macabud, Rodriguez, Rizal noong Agosto 22.

A Special Investigation Task Group has been created to dig deeper into the case. We want to establish the motive and apprehend the culprit. Police authorities are on top of this and seek to uncover the truth and vow to serve justice,” ani PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. sa isang pahayag noong Martes.

Nakatanggap ng tawag ang Rodriguez Municipal Police Station na nagbalita sa kanila ng mga walang buhay na bangkay ng hindi pa nakikilalang mga indibidwal na natuklasan sa loob ng isang Nissan na kotse, na may plate number na NGU 1923.

Dalawa sa apat na biktima ang kinilala ng kanilang mga kaanak. Ang dalawa pang babaeng biktima ay hindi pa nakikilala.

Ang mga inisyal na ulat ay nagsabi na ang pagkamatay ng mga biktima ay tila may kinalaman sa botched drug deal.

LATEST

LATEST

TRENDING