Marcos, sinuspinde ang klase, trabaho sa NCR, ibang probinsya dahil sa ‘Florita’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Sinuspinde ng Malacañang ang mga klase at trabaho sa mga pampublikong paaralan at opisina ng gobyerno sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan mula Martes ng hapon, Agosto 23, hanggang Miyerkules, Agosto 24, dahil sa matinding tropikal na bagyong Florita.

Sakop ng suspension ang lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan at opisina ng gobyerno sa National Capital Region (NCR), Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan, Zambales, at Bataan.

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang suspensiyon kasunod ng rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na itigil ang mga klase at trabaho sa mga lugar na ito simula ala-1 ng hapon, Martes.

The heavy rains pose possible risks to the general public based on the recommendations of the Office of Civil Defense,” wika ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.

Idinagdag ni Angeles na ang parehong paraan ng aksyon para sa mga pribadong paaralan at opisina ay ipinauubaya sa pagpapasya ng kani-kanilang mga pinuno ngunit ito ay “inirerekomenda” na sundin ito.

Sa pribadong sektor, base yun sa diskresyon ng employers, pero rekomendado na isususpinde na rin,” isinaad ng Press Secretary.

Ang rekomendasyon ng NDRRMC, gayunpaman, ay hindi kasama ang mga frontline na ahensya na nagbibigay ng emergency services mula sa pagsususpinde.

Ang “Florita” ay kasalukuyang bumabagsak sa Central at Northern Luzon, na nag-landfall sa Isabela Martes ng umaga.

LATEST

LATEST

TRENDING