Marcos sa mga estudyante, guro: Sundin ang mga Covid-19 health protocol

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA – Ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapatuloy ng face-to-face classes nitong Lunes na may paalala sa mga guro at mag-aaral na patuloy na sundin ang mga Covid 19 health protocol.

I welcome the return of our children to full face-to-face classes after two years of online learning due to the pandemic,” wika ni Marcos sa kanyang pahayag sa pagbabalik ng face-to-face learning.

Since the threat of Covid-19 is still in our midst, it is important that our teachers and students continue to observe the minimum health protocols to ensure that they remain healthy while learning new things,” dagdag niya.

Binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng pagsunod sa health protocol sa mga paaralan dahil naniniwala siyang mas magiging epektibo ang pag-aaral sa loob ng mga silid-aralan kung saan ganap na nakikipag-ugnayan ang mga mag-aaral sa kanilang mga guro at kapwa mag-aaral.

Nagpahayag din ng optimismo ang Punong Ehekutibo na ang mahigit 28 milyong estudyanteng naka-enrol sa K-12 ay makakakuha ng de-kalidad na edukasyon sa ilalim ng pamumuno ni Bise Presidente Sara Duterte.

I have no doubt that with Vice President Inday Sara Duterte at the helm of the Department of Education, we can be sure that the more than 28.21 million students enrolled in the K-12 system will finally get the quality education that our parents want for their children,” wika ni Marcos.

Nagpapatuloy ang face-to-face classes pagkatapos ng dalawang taong online learning dahil sa pandemya na tumama sa bansa noong unang bahagi ng 2020.

LATEST

LATEST

TRENDING