DOH nakapagtala ng karagadagang 3,758 na kaso ng Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang 3,758 pang katao ang nahawahan ng Covid-19.

Batay sa datos ng DOH, may kabuuang 36,115 na indibidwal ang may sakit pa rin sa Covid-19 sa buong bansa nitong Huwebes, Agosto 18. Bahagyang mas mataas ang bilang mula sa 35,101 aktibong kaso na naitala noong Miyerkules, Agosto 17.

Ang National Capital Region ang may pinakamaraming kaso nitong nakalipas na 14 na araw na may 14,779, sinundan ng Calabarzon na may 9,147, Central Luzon na may 5,027, Western Visayas na may 2,638, at Cagayan Valley na may 2,206.

Ang mga bagong kaso noong Huwebes ay nagdala ng bilang ng mga impeksyon sa bansa sa 3,844,708. Karamihan sa mga kaso o 3,747,372 katao ang gumaling, habang ang mga pagkamatay na may kaugnayan sa Covid-19 ay nasa 61,221.

Mga gamot para sa Covid-19

Sa gitna ng pagtaas ng bilang ng mga kaso, tiniyak ng DOH sa publiko na ang Pilipinas ay may sapat na suplay ng mga gamot para sa paggamot sa Covid-19 tulad ng molnupiravir, nirmatrelvir at ritonavir (Paxlovid), remdesivir, tocilizumab, at iba pa. Idinagdag din nito na may sapat na supply ng testing kits para sa Covid-19.

‘Yun pong recommendation regarding sa stockpiling of our antiviral drugs para sa Covid-19, dati pa naman po natin ginagawa iyan. Our health system and our hospitals have always been at that point where we want to be more prepared than the previous situation that we have,” ani DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire sa isang press briefing kamakailan.

So, rest assured para po sa ating mga kababayan, handa po ang ating sistema para po kung saka-sakali na tumaas ang mga kaso meron tayong enough medicines, we have enough oxygen supply, para po ma-manage natin kung saka-sakali dadami ang severe and critical [cases],” dagdag niya.

Sinabi rin ni Vergeire na pinalawak din nila ang access sa mga naturang gamot para sa Covid-19.

We can now procure or buy these antiviral drugs in FDA [Food and Drug Administration]-licensed pharmacies,” aniya.

We have expanded access already hindi nalang sa mga ospital niyo makukuha ang mga gamot na ito, makukuha na rin ito commercially as long as you have the prescription of your doctors,” dagdag niya.

Kamakailan, hinimok ng founder ng Go Negosyo na si Joey Concepcion ang gobyerno na mag-imbak ng mga antiviral na gamot upang “mabuo” ang mga “depensa” ng bansa laban sa Covid-19.

LATEST

LATEST

TRENDING