Mga contact ng unang kaso ng monkeypox, asymptomatic hanggang sa katapusan ng isolation

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA – Ang 10 malapit na kontak ng unang kaso ng monkeypox sa bansa ay hindi nagpakita ng mga sintomas na nauugnay sa impeksyon hanggang sa katapusan ng kanilang kinakailangang quarantine period.

Sa isang media briefing noong Martes, sinabi ni Department of Health (DOH) Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na ang quarantine period ng lahat ng malalapit na kontak ay natapos kahapon, Agosto 16.

Noong Hulyo 29, iniulat ng DOH ang unang kaso ng monkeypox — isang 31-anyos na Pilipino na dumating mula sa ibang bansa noong Hulyo 19.

Ang ahensya ay hindi pa nag-uulat ng bagong kaso ng monkeypox.

Tomorrow po, they will be checked by our physicians, para ma-i-clear sila at ma-dismiss na sila from quarantine already,” wika ni Vergeire.

Idineklara ng World Health Organization ang monkeypox bilang isang public health emergency of international concern.

Nauna rito, idineklara ng United States Centers for Disease Control and Prevention ang public health emergency sa Amerika dahil isa ito sa mga bansang may pinakamaraming kaso ng monkeypox.

Ang monkeypox ay kumakalat sa pamamagitan ng malapit o matalik na pakikipag-ugnayan sa mga nahawaang indibidwal.

LATEST

LATEST

TRENDING