VP Sara, nais na imbestigahan ng COA ang P2.4-B laptop deal

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Humiling ang Department of Education (DepEd) nitong Lunes ng fraud audit mula sa Commission on Audit (COA), ayon sa utos ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte, para tingnan ang umano’y overpriced at outdated na mga laptop na binili para sa mga guro.

Sa press briefing, sinabi ni DepEd Undersecretary at Chief-of-staff Epimaco Densing III na naipadala na nila ang kanilang sulat kay COA Chairperson Jose Calida.

In the meantime, while we are not yet declaring that there is a fraudulent transaction that happened at that time, we’re also not saying that there is none… Kaya nga po ang direktiba po sa’min ni Secretary, ni VP Sara, paimbestigahan niyo na ‘yan, para makita kung mayroon bang kalokohan o wala,” wika niya.

Sinabi ni Densing na nagbigay ng go signal si Duterte noong Biyernes para humiling ng fraud audit mula sa COA sa pagbili ng PHP2.4 bilyong laptop sa pamamagitan ng Procurement Services ng Department of Budget and Management (PS-DBM).

“Ang tinitingnan po namin ngayon is not an official investigation yet, and this is the reason why we are asking COA to do a fraud audit, the reason why it was downgraded from 1.9 gigahertz to 1.8 gigahertz. At the same time tumaas din ang presyo, and why is it [an] Intel Celeron,” dagdag niya.

Sinabi niya na ang lahat ng mga dokumento na “agad na ibinigay” ng PS-DBM sa kahilingan ng DepEd ay naisumite na sa COA.

Sinabi ni Densing na mas gusto ng DepEd na magsagawa ng future purchases sa ilalim ng sarili nitong team para maiwasan ang mga katulad na kontrobersiya matapos na i-flag ng COA ang 2021 report sa procurement ng PHP2.4 billion laptops para sa online classes sa gitna ng Covid-19-pandemic.

“Kami sa execom ng DepEd, we are already one that for future procurement, we will do our procurement via our own procurement service here at the DepEd, and hopefully wala nang mga ganung klase ng budget na ibibigay out of the blue, para hindi na rin tayo dumaan sa PS-DBM,” aniya.

Noong nakaraang Biyernes, itinurn-over ng PS-DBM, sa pamumuno ni Executive Director Dennis Santiago, sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga dokumento kaugnay sa pagbili ng mga laptop ng DepEd.

Nauna nang inutusan ni Santiago ang kanyang tanggapan na magsagawa ng masusing pagsusuri sa mga natuklasan ng COA, na binibigyang-diin na ang mandato ng PS-DBM ay tiyakin ang isang transparent at competitive procurement process.

The NBI is a highly competent investigation authority to take over the matter to ensure that the probe would be fair, impartial, and independent. We do not want any room for suspicion,” wika ni Santiago.

Idinagdag ni Santiago na ang hakbang na humiling sa NBI na manghimasok ay ginawa matapos matuklasan sa pagsusuri ang mga di-umano’y pagkakaiba sa mga inisyal na natuklasan, na katulad ng mga obserbasyon ng COA.

LATEST

LATEST

TRENDING