DOH, isinasaalang-alang ang pag-aatas sa mga manlalakbay na tanggalin ang jacket para ma-screen sa monkeypox

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Tinitingnan ng Department of Health ang pag-uutos sa mga manlalakbay na magtanggal ng kanilang mga jacket pagdating sa Pilipinas, bukod sa iba pa, sa pagsisikap na hadlangan ang pagkalat ng monkeypox sa bansa.

Sa unang pagdinig ng Senate health and demography panel sa departamento ng kalusugan sa sitwasyon ng pandemya sa bansa, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang mungkahing ito ay bunga ng pakikipag-usap ng departamento sa Bureau of Quarantine kung paano pa maiiwasan ang pagpasok ng monkeypox sa bansa.

But definitely, closing our borders is not part of our recommendations as of this time…right now, the risk is very low in the country for this type of disease,” sinabi rin ni Vergeire sa mga mambabatas.

For monkeypox, you need direct contact with an individual who has lesions already, and you will get infected,” wika rin niya.

Idinagdag ni Vergeire na ang posisyon ng DOH sa monkeypox ay hindi nangangailangan ng mass immunization sa buong populasyon. Ito ay dahil, aniya, ang mga umiiral na bakuna ay para sa mga kaso ng pre-exposure at post-exposure.

The only ones who need a vaccine are those who were directly exposed and those who are vulnerable to the disease…those are our targets at the outset compared to COVID-19, where we need to vaccinate the entirety of the population to build a wall of immunity so transmission can stop,” wika niya.

Nauna nang sinabi ng DOH na ang Pilipinas ay maaaring makakuha ng bakuna sa monkeypox sa 2023.

Ibinunyag ng departamento na una at sa ngayon ang nag-iisang kaso ng monkeypox sa bansa ay natapos na rin ang kanyang isolation period na 21 araw, pagkatapos nito ay na-clear siya ng mga health practitioner para ma-discharge kahit walang bakuna. Naghilom na rin ang kanyang mga sugat.

Ayon sa DOH OIC, ang Research Institute for Tropical Medicine ay na-capacitate para magproseso ng humigit-kumulang 1,000 na mga sample kada araw para sa Monkeypox. Ang departamento ng kalusugan ay nasa proseso din ng pagpapalakas sa iba pang mga ospital sa mga rehiyon upang gawin din ito.

LATEST

LATEST

TRENDING