DSWD: Karagdagang P2 bilyong pondo para mapakinabangan ng mas maraming indibidwal na nasa krisis

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Pinasalamatan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang Department of Budget and Management sa pagpapalabas ng Special Allotment Release Order na nagkakahalaga ng PHP2 bilyon para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) nito.

Sa isang news release nitong Biyernes, sinabi ng DSWD na ang karagdagang pondong ito ay babalik sa benepisyo ng mga kliyente, habang patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Makakatulong din ito sa mas maraming indibidwal na nasa krisis sa pag-avail ng iba’t ibang mga serbisyo sa ilalim ng AICS.

Samantala, ang DSWD ay naglabas ng updated guidelines sa AICS para matiyak ang mas mabilis at mas mahusay na paghahatid ng tulong.

Sa pamamagitan ng inilabas na Memorandum Circular (MC) No. 15, pinasimple ng DSWD ang implementing procedure at pinasimple ang eligibility forms at documentary requirements at ang kaukulang mga awtoridad sa pag-apruba sa central office at field and satellite offices.

Ang AICS ay isa sa mga programa at serbisyo sa ilalim ng Protective Services Program ng DSWD, na nagbibigay ng financial at material assistance, psychosocial support, at mga referral service sa mga indigent o nasa krisis na mga indibidwal at kanilang mga pamilya, ayon sa pagtatasa ng mga social worker.

LATEST

LATEST

TRENDING