Marcos sa DTI: Pagaanin ang kalagayan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng abot-kayang pataba

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Department of Trade and Industry (DTI) para itakda ang mga planong gawing abot-kaya ang mga pataba para sa mga magsasaka upang mapabuti ang kanilang produktibidad.

Ang pagpupulong ay ginanap sa Palasyo ng Malacañang sa Maynila, batay sa mga larawang na-upload sa opisyal na Facebook page ng Office of the President (OP).

Nais ni Marcos na tiyakin ng DTI na ang mas murang mga pataba ay magagamit para sa mga magsasaka, sinabi ng OP sa isang post sa Facebook noong Miyerkules ng gabi.

President Ferdinand Romualdez Marcos Jr. met with DTI to iron out plans to increase the productivity of farmers by ensuring that fertilizers can be made affordable for them,” isinaad ng OP.

Kinumpirma ni Marcos, sa kanyang opisyal na Facebook account, na nakipagpulong siya kay Trade Secretary Alfredo Pascual sa pagsisikap na maibsan ang kalagayan ng mga magsasaka at i-reboot ang industriya ng agrikultura sa bansa.

“Hangad natin na maging masigla muli ang sektor ng agrikultura kaya’t nakipagpulong tayo kay Kalihim Alfredo Pascual ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya upang siguraduhin ang mas abot-kayang presyo ng abono o pataba na gamit ng ating mga magsasaka,” aniya.

Sinabi ng OP na patuloy na naghahanda si Marcos “upang matiyak ang suplay ng pagkain sa bansa.”

Noong Hulyo, ipinahayag ni Marcos ang kanyang hangarin na ituloy ang pag-uusap ng government-to-government (G2G) upang tugunan ang pagtaas ng presyo ng mga pataba.

Sinabi ni Marcos, na kasabay na namumuno sa Department of Agriculture (DA), na maaaring maka-avail ang gobyerno ng mas murang pataba sa pamamagitan ng G2G deals.

Nakikipag-ugnayan siya sa China, Indonesia, United Arab Emirates, Malaysia at Russia para sa pagbili ng bansa ng mga pataba.

Nauna nang inatasan ni Marcos ang mga opisyal ng agrikultura na magbigay ng datos sa pinagmulan at presyo ng mga pataba, gayundin sa plano ng pamamahagi ng DA sa panahon ng pagtatanim.

LATEST

LATEST

TRENDING