DILG, hinihimok ang LGUs na magsagawa ng proactive na mga hakbang vs. monkeypox

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Hinimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) na magsagawa ng mga proactive na hakbang para maiwasan ang pagkalat ng monkeypox at sa kani-kanilang mga lugar ng hurisdiksyon.

Nangyari ito matapos iulat ng bansa ang unang kumpirmadong kaso ng monkeypox noong nakaraang linggo.

While everyone is assured that our public health surveillance systems are able to detect and confirm monkeypox cases, all LGUs are nonetheless called to carry out measures in close coordination with the Department of Health (DOH) in stemming the spread of this new virus,” ani DILG Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. sa isang news release.

Sinabi ni Abalos na habang mahigpit na sinusubaybayan ng mga awtoridad sa kalusugan ng bansa ang mga papasok at papalabas na manlalakbay para sa mga kaso ng monkeypox, makabubuti sa mga LGU na maging handa sa anumang posibleng mangyari.

The adage prevention is better than cure still applies today. As the primary front liners in your areas, it behooves upon our LGUs to initiate precautionary measures and spread awareness to your constituents about monkeypox and what they need to do about it,” wika niya.

Ang monkeypox ay isang zoonotic disease na dulot ng impeksyon ng monkeypox virus, na kabilang sa Orthopoxvirus genus.

Sinabi ng DOH na karaniwang sintomas ng monkeypox ang lagnat, matinding pananakit ng ulo, pamamaga ng lymph nodes, pananakit ng likod, pananakit ng kalamnan, kawalan ng enerhiya, at pagputok ng balat.

Inatasan din ni Abalos ang mga provincial governor at mga city/municipal mayor na tiyakin ang kahandaan ng kani-kanilang Local Health Offices, Epidemiologic and Surveillance Units, at Barangay Health Emergency Response Teams na ipatupad ang DOH guidelines at protocols sa surveillance, screening, management, at infection control ng monkeypox.

Katulad ng ginawa natin sa laban kontra Covid-19 (coronavirus disease 2019), kailangang magsagawa na tayo ng mga preparasyon at ihanda na natin ang mga tauhan natin para siguraduhing hindi na dadami pa at lalala ang mga kaso ng monkeypox sa bansa,” wika niya.

Sinabi rin niya na dapat mahigpit na subaybayan ng mga LGU ang mga manlalakbay mula sa mga bansang may naiulat o patuloy na may mga kaso ng monkeypox na nakakaranas ng mga palatandaan at sintomas, makipag-ugnayan sa mga pribadong pasilidad sa pangangalagang pangkalusugan upang matiyak ang pag-uulat ng mga indibidwal na nakakaranas ng mga sintomas, at mag-ulat ng impormasyon sa mga pinaghihinalaang o kumpirmadong kaso sa DOH sa loob ng 24 na oras.

Hinikayat din niya ang publiko na mahigpit na sumunod sa minimum public health standards (MPHS) na itinakda ng DOH, magsagawa ng disinfection measures, panatilihin ang malinis na kamay at respiratory hygiene, at bawasan ang pakikipag-ugnayan sa mga taong may sakit upang limitahan ang impeksyon.

This is not the first time that we have faced a huge health concern. We have been through the worst of times during the peak of the Covid-19 pandemic so we are now more resilient as a people and can rise above any other challenge, including monkeypox,” aniya.

Ang unang kaso ng monkeypox sa bansa ay isang Pinoy na dumating mula sa ibang bansa noong Hulyo 19. Ayon sa DOH, gumagaling na ang kaso at nasa quarantine ang 10 close contact nito at mahigpit na binabantayan kung may mga sintomas.

Sinabi rin ng DOH na hindi tulad ng Covid-19, hindi lahat ay maaaring kailanganin na mabakunahan bilang proteksyon laban sa monkeypox maliban sa mga health worker at iba pang vulnerable na sektor.

LATEST

LATEST

TRENDING