DepEd: Walang pagkaantala sa muling pagbubukas ng paaralan kahit sa mga lugar na tinamaan ng lindol

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA – Ipinahayag ng Department of Education (DepEd) noong Lunes na magpapatuloy ang muling pagbubukas ng mga klase sa Agosto 22, maging sa hilagang Luzon, kabilang ang lalawigan ng Abra, na tinamaan ng magnitude 7 na lindol noong Hulyo 27.

The direction is that there will be no delay in the opening of classes. Just alternative delivery mode for certain areas,” ani DepEd spokesperson Michael Poa sa isang Viber message sa mga mamamahayag.

Ginawa ni Poa ang pahayag kasunod ng pagtatasa ng DepEd sa sitwasyon at kakayahan ng mga paaralang nasira ng lindol na muling magbukas ng klase.

Gayunpaman, nilinaw niya na ang desisyon ay para lamang sa pagbubukas ng klase ngayong Agosto 22 dahil 451 na silid-aralan ang nawasak ng lindol sa Luzon.

Right now, the discussion on this was confined to the August 22 opening of classes. We will monitor the situation thereafter. The thrust is to still implement full in-person classes starting Nov 2,” aniya.

Sa kickoff event ng Brigada Eskwela sa Imus Pilot Elementary School sa Imus, Cavite noong Lunes, sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na naghahanap ang DepEd ng PHP1.4-bilyong halaga ng recovery at reconstruction fund.

“Hindi pa nga natin naayos at natapos ang destruction ng isang kalamidad, dumating na naman ang isang kalamidad. And we need more than PHP18 billion, excluding the PHP1.4 billion of damage from the Abra earthquake to get ourselves out of the quicksand of this year and last year. It does not include the things, or the repairs that we have to do from 2016,” wika ni Duterte sa kanyang talumpati.

Gayunman, sinabi ni Poa na hindi pa pinal ang halaga dahil nagpaplano pa rin ang departamento na humiling ng karagdagang pondo mula sa Department of Budget and Management (DBM).

We’re really assessing the situation on the ground, and we’re looking at options, and one is the temporary learning spaces which we can build, so of course, that would also entail funding and will depend on how many were destroyed, because every day the amount changes,” aniya.

Sinabi ni Poa na isinasaalang-alang ng DepEd ang pagtatayo ng “temporary learning spaces” sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng lindol sa Abra.

Nauna rito, sinabi ng DepEd na magmumungkahi ito ng PHP4-bilyong halaga ng Quick Response Fund upang matiyak ang mabilis na pagbawi at muling pagtatayo sa tuwing may darating na kalamidad.

LATEST

LATEST

TRENDING