DOH: Unang kaso ng monkeypox ng bansa nasa ilalim ng home isolation para gumaling

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA – Ang unang kaso ng monkeypox sa bansa ay kasalukuyang nakahiwalay sa bahay para gumaling, sinabi ng isang opisyal ng kalusugan nitong Lunes.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na wala nang sintomas ang 31-anyos na pasyente, na dumating mula sa ibang bansa noong Hulyo 19.

“Pinapagaling na lang ang kanyang rashes sa katawan,” aniya.

Ang 21-araw na isolation [period] ay dapat makumpleto at ang lahat ng mga sintomas ay dapat gumaling bago ang pasyente ay payagang lumabas muli, dagdag niya.

Natukoy ng DOH ang 10 mga contact ng pasyente na ngayon ay binabantayan araw-araw.

Sinasabi ng mga eksperto sa kalusugan na nakakahawa ang monkeypox sa sandaling magsimula ang mga sintomas.

Nauna rito, sinabi ng World Health Organization na ang monkeypox virus ay kumakalat sa mga tao sa pamamagitan ng malapit na pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng mga sugat, mga body fluid, respiratory droplet, at mga kontaminadong bagay tulad ng mga bedding. Kasama sa mga sintomas nito ang lagnat, pananakit ng ulo, panghihina ng kalamnan, at mga pantal.

Mayroong real time – polymerase chain reaction test para sa monkeypox.

We have already mobilized our surveillance teams as early as May at our airports and docks. We are confident na sana lahat ng makapasok na kaso sa ating bansa ay ma-detect,” wika ni Vergeire.

Ang bakuna sa Monkeypox ay maaaring ibigay sa mga nalantad sa mga kaso o pre-exposure sa mga kaso ngunit para lamang sa mga indibidwal na kabilang sa mga mahihinang sektor.

Ito ay ginawa ng United States of America at kasalukuyang may limitadong supply.

Exploring tayo kung saan tayo pwede makakuha, makabili o ‘di kaya ay mai-donate sa atin sa lalong madaling panahon,” aniya.

LATEST

LATEST

TRENDING