DepEd: Umabot na sa 164 ang mga paaralang napinsala ng lindol, nagkakahalaga ng 940 milyon ang rehabilitasyon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Lumalabas sa pinakahuling ulat ng Department of Education (DepEd) na umabot na sa 164 ang bilang ng mga nasirang paaralan matapos ang mapanirang 7.0-magnitude na lindol noong Miyerkules, Hulyo 27.

Ibinunyag ng DepEd, sa isang press statement na inilabas noong Huwebes, Hulyo 28, na mayroon na ngayong 164 na napinsala at 9,539 na mga paaralang naapektuhan ng lindol sa bansa matapos ang malakas na magnitude 7.0 na lindol noong Miyerkules. Ito ay mas mataas kaysa sa inisyal na ulat ng departamento na 8,027 apektado at 35 nasira na mga institusyon noong Hulyo 27.

Samantala, ang 228.5 milyon na tinatayang gastos sa pagkukumpuni at muling pagtatayo ng ganap at bahagyang nasira na mga silid-aralan ay lumobo din sa 940 milyon.

The Disaster Risk Reduction and Management Service’s (DRRMS) called for a meeting with the National Education Cluster Partners (ECP) to provide updates on the affected schools. Among the response actions done by the ECP are the conduct of rapid assessment of damages and the determination of areas needing psychological first aid,” wika ng DepEd.

Pagkatapos ay tiniyak ng DRRMS sa publiko na magpapatuloy ito sa pakikipag-ugnayan sa mga field coordinator ng DRRM upang matukoy ang mga pangangailangan ng mga apektadong mag-aaral at tagapagturo.

Natunton ang epicenter ng mapanirang magnitude 7.0 na lindol tatlong kilometro hilagang-kanluran ng Tayum, Abra. Nangyari ito dakong 8:43 a.m. at tectonic ang origin na nangangahulugan na ito ay sanhi ng paggalaw ng active fault malapit sa lugar.

Iniulat ng mga state seismologist na tumama ang lindol sa malaking bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila.

LATEST

LATEST

TRENDING