Marcos: Tutulungan ng gobyerno ang mga residenteng naapektuhan ng lindol na muling itayo ang kanilang tahanan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nangako si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Miyerkules na tutulungan ang mga residente sa muling pagtatayo ng kanilang mga tahanan matapos tumama ang 7 magnitude na lindol sa Abra at sa mga kalapit nitong lalawigan.

Tutulong kami, siyempre. The immediate — lalo na sa lindol, ang immediate concern is shelter kasi nga kahit na titingnan mo ‘yung bahay mukhang matibay, hindi mo malalaman hanggang nainspeksyon nang mabuti ‘yun,” wika ni Marcos nang tanungin ng mga mamamahayag tungkol sa suporta ng gobyerno sa isang press briefing sa Malacañang.

Sa ngayon, sinabi niya na hindi pahihintulutan ng mga awtoridad ang mga tao na bumalik sa kanilang mga tahanan, isinasaalang-alang ang mga panganib na dulot ng aftershocks na maaaring tumagal ng ilang araw.

Dapat ipaliwanag ng mga awtoridad sa mga tao ang pangangailangang magsagawa ng masusing inspeksyon sa mga bahay at gusali bago sila payagang bumalik sa kanilang mga tirahan, ipinunto ni Marcos.

In the meantime, it is up to us, the government, to provide shelter for them to be able to feed them while they are in the shelters. And to inspect their residences, their places of business para makita natin kung puwede na silang bumalik, puwedeng magtrabaho ulit, puwede na bumalik sa kanilang mga bahay,” aniya.

Nang tanungin kung maglalabas siya ng direktiba sa mga LGU para sa regular na inspeksyon ng mga residential house sa kanilang mga lugar, sinabi ng Pangulo na hindi na kailangang maglabas ng naturang kautusan.

Mayroong umiiral na pamamaraan para sa regular na pagtatasa ng mga residential house at iba pang istruktura, aniya, idinagdag na ang mga LGU ay karaniwang nahihirapang magsagawa ng mga inspeksyon dahil sa kakulangan ng mga kwalipikadong inhinyero o tauhan.

I think the better way is to educate people na huwag niyong — huwag kayong magtatayo ng bahay sa delikadong lugar, make sure that maayos ‘yung mga materyales na ginagamit at maging matibay para ‘pag sakali mang magka-lindol o magka-bagyo ay hindi naman kayo mabiktima,” isinaad ni Marcos.

So yes, it’s something that we would like to be able to do. We have yet to have the capability to do it extensively. Sa urban areas nagagawa, pero sa rural areas hindi gaano,” wika niya.

Sa kabila ng pinsalang dulot ng lindol, sinabi ni Marcos na hindi na kailangang magdeklara ng state of national calamity sa ngayon, dahil apektado lamang ng pagyanig ang Ilocos Region at Cordillera Administrative Region.

Awtomatikong idineklara ang state of national calamity kapag may naganap na kalamidad sa tatlong rehiyon.

Bukod sa Abra, naapektuhan ng pagyanig ang mga lalawigan ng Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union at Benguet.

LATEST

LATEST

TRENDING