Marcos, bumisita sa mga tinamaan ng lindol sa Abra

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Bumisita si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Huwebes sa lalawigan ng Abra na naapektuhan ng lindol upang suriin ang sitwasyon ng mga apektadong indibidwal at magsagawa ng situation briefing kasama ang mga kinauukulang national at lokal na opisyal.

Isang maikling video ng pagbisita ni Marcos kay Abra ang na-upload sa opisyal na Facebook page ng state-run Radio Television Malacañang (RTVM).

President Ferdinand R. Marcos Jr. travels to Abra today, 28 July 2022,” wika ng RTVM sa isang Facebook post.

Gusto ni Marcos na personal na makita ang lawak ng pinsalang iniwan ng malakas na lindol na yumanig sa Abra noong Miyerkules ng umaga, isinaad ng RTVM.

Kasama ni Marcos sa kanyang pagbisita sa Abra sina Secretary Antonio Lagdameo Jr. (Special Assistant to the President), Benjamin Abalos Jr. (Local Government), Jose Faustino (Defense), at Erwin Tulfo (Social Welfare).

Patuloy pa rin ang situation briefing na pinangunahan ni Marcos sa Bangued, Abra, as of press time.

Sa briefing, hiniling ni Marcos sa mga lokal na opisyal ang update sa tulong na ibinigay sa mga biktima ng lindol.

I agree to what we usually do, work together with the local government so that we can make sure na walang nangangailangan na hindi natin nabigyan ng tulong,” aniya.

Ipinag-utos ni Marcos nitong Miyerkules ang agarang pagpapadala ng tulong sa mga indibidwal na apektado ng malakas na lindol.

Sa press conference na ginanap noong Miyerkules ng hapon, nangako si Marcos na tutulungan ng gobyerno ang mga residenteng nawasak ang mga bahay dahil sa malakas na lindol.

Nangako rin si Marcos na babantayan ang mga posibleng aftershocks at landslide kasunod ng magnitude 7 na lindol.

May kabuuang 227 aftershocks ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology nitong Miyerkules.

Bukod sa Abra, naramdaman din ang lindol sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING