Magnitude 7.3 na lindol yumanig sa Abra, iba pang bahagi ng Luzon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Niyanig ng magnitude 7.3 na lindol ang Abra nitong Miyerkules, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ang tectonic quake ay tumama sa layong 2 kilometro hilagang-silangan ng munisipalidad ng Lagangilang alas-8:43 ng umaga.

Ang lindol ay nasa lalim na 25 kilometro, ayon sa ulat ng Phivolcs.

Naramdaman ang Intensity IV sa Quezon City.

Inaasahan ang aftershocks at pinsala mula sa lindol, sabi ng Phivolcs.

LATEST

LATEST

TRENDING