VP Sara: DepEd, binigyan ng 1 taon para i-assess ang K-12 program

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inihayag ni Vice President at Education Secretary Sara Z. Duterte noong Martes na ang Department of Education (DepEd) ay may isang taon upang i-review at suriin ang Kinder to Grade 12 (K-12) program.

Sa post-State of the Nation Address (SONA) forum, sinabi ni Duterte na ibinigay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang timeline sa kanilang ikalawang pulong ng Gabinete noong Hulyo 19.

We were given by President Marcos, one year this school year, the school year 2022-2023, to give a final answer about our K-12 program here in the country,” aniya.

Sinabi niya na iaangkop nila ang Basic Education Development Plan ng nakaraang administrasyon, habang tinatapos ng ahensya ang pagsusuri nito sa K-12 program, at idinagdag na ang pagtatasa sa programa ng Senior High School ay gagawin sa ilalim ng kanyang termino.

Sinabi rin ni Duterte na nakikipag-ugnayan siya sa Department of Labor and Employment para mapabuti ang Philippine skills framework.

Nauna rito, nagpahayag si Marcos ng suporta para sa isang curriculum review para matugunan ang mga mahahalagang isyu gaya ng job mismatch.

LATEST

LATEST

TRENDING