Marcos, pinananatili ang independent foreign policy, ‘friend to all’ na paninindigan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Pinananatili ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang independent foreign policy kung saan ang bansa ay kaibigan ng lahat at walang kaaway.

With respect to our place in the community of nations, the Philippines shall continue to be a friend to all. And an enemy to none,” sinabi ng punong ehekutibo sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) noong Lunes.

We will be a good neighbor — always looking for ways to collaborate and cooperate with the end goal of mutually beneficial outcomes,” dagdag niya.

Muling iginiit ni Marcos na agresibong pagsusulong ng kanyang administrasyon sa “malakas at mas maraming aspeto” na relasyon ngunit tiniyak na ang kanyang foreign policy ay ibabatay lamang sa national interest ng bansa.

If we agree, we will cooperate and work together. If we differ, we will talk more until we agree,” aniya.

But we will not waver, we will stand firm in our independent foreign policy, with the national interest as our primordial guide. We commit to maintaining good relations with the rest of the world,” dagdag niya.

Nauna nang nakipagpulong kay Marcos ang mga diplomat at mga dayuhang opisyal ng gobyerno para pag-usapan ang posibleng pagtutulungan ng Pilipinas at ng kani-kanilang estado.

Sa mga pagpupulong na iyon, binigyang-priyoridad ng punong ehekutibo ang mga sumusunod na bahagi ng kooperasyon: clean energy, agriculture, economy, trade, defense, pharmaceuticals, education, culture, at pagtugon sa pagbabago ng klima.

We are, in fact, grateful for the messages of support and offers of help that we have received from many of our friends in the international community, as communicated through their Envoys and Ambassadors in the Philippines. Such strong relationship can only be beneficial to all involved,” wika ni Marcos.

‘Pagprotekta sa soberanya’

Habang itinataguyod ang paninindigang “friend to all, enemy to none (kaibigan sa lahat, kaaway sa wala)”, tiniyak ni Marcos na hindi isusuko ng gobyerno ang kahit isang pulgadang parisukat ng teritoryo ng bansa, na tumutukoy sa patuloy na alitan ng teritoryo ng Maynila sa iba pang littoral states sa South China Sea.

(The country will) not preside over any process that will abandon even a square inch of territory of the Republic of the Philippines to any foreign power,” aniya.

Sa kanyang pakikipagpulong kay Chinese Foreign Minister Wang Yi noong unang bahagi ng buwang ito, ipinahiwatig ni Marcos ang kanyang pagnanais na makahanap ng maayos na solusyon sa maritime row habang pinapalaki ang mga pakikipag-ugnayan kung saan maaaring magtulungan ang dalawang bansa.

Higit pa rito, naglabas ang administrasyon ng malinaw na posisyon sa 2016 arbitral ruling, na nagpapatunay na gagamitin nito ang award bilang anchor sa mga aksyon nito sa West Philippine Sea.

LATEST

LATEST

TRENDING