DND: NDRRMC, higit na may kakayahang tumugon sa Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ipinahayag ng Department of National Defense (DND) nitong Biyernes na wala silang nakikitang problema sa hakbang ng National Task Force (NTF) against Covid-19 na ilipat ang mga tungkulin nito sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Hindi naman magkakaroon mg malaking pagbabago kasi ang NDRRMC naman, ang mga members nun, ay members din ng NTF Covid-19. So ang mangyayari lang ay talagang magiging hands-on ang NDRRMC ngayon tungkol dito sa Covid-19 response,” isinaad ni DND spokesperson Arsenio Andolong sa Laging Handa briefing.

Sinabi ni Andolong na ang dalawang katawan ay sanay na sa pakikipag-ugnayan sa isa’t isa, idinagdag na ang pagkuha ng NDRRMC sa mga tungkulin ng NTF Covid-19 ay hindi makakaapekto sa mandato ng pagtugon sa kalamidad.

Sa tingin naman ng DND, kasi just like any calamity, ganun din naman ang pagtrato ng NDRRMC sa Covid-19. Ang kaibahan lang nito ay ongoing, tuloy-tuloy siya at nang nagsimula eto, ay nagiging, ika nga eh, ‘new normal’. So ang mangyayari lang ay madagdagan ng isang contingency na kailangan i-handle ng NDRRMC,” wika ni Andolong.

Sa kasagsagan ng pandemya ng Covid-19, ang DND Secretary at NDRRMC chairperson na si Delfin Lorenzana ay magkasabay na nagsilbing tagapangulo ng NTF-Covid-19.

Naniniwala rin si Andolong na ang pagbabagong ito ay para sa ikabubuti dahil ang disaster response efforts ng gobyerno ay nasa ilalim ng isang organisasyon.

Noong Miyerkules, inihayag ng NTF Covid-19 na ipapasa nito ang mga tungkulin nito sa NDRRMC bilang bahagi ng pagsisikap ng gobyerno na i-streamline ang pagtugon sa pandemya.

Idinagdag nito na ang lahat ng mga katanungan tungkol sa NTF ay dapat idirekta sa NDRRMC habang ang mga katanungan tungkol sa programa ng pagbabakuna ay dapat na i-address sa Department of Health.

LATEST

LATEST

TRENDING