Pakinggan ang mga plano ni Marcos, hinimok ang mga SONA protester

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Hinimok ng isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) noong Linggo ang mga nagprotesta na huwag mag-rally sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos at sa halip, makinig sa kanyang mga plano para sa bansa.

Hiniling ni PNP director for operations Maj. Gen. Valeriano de Leon sa mga anti-Marcos protesters na subaybayan ang talumpati ng Pangulo para malaman kung ano ang kanyang mga programa sa susunod na anim na taon.

It will be better for the people to just listen to what President Marcos will say during the SONA because this is where he will outline his programs,” wika ni De Leon. “So hopefully, people will not hold rallies anymore.

Gayunpaman, sinabi ni De Leon na ang mga nagpoprotesta ay papayagang magsagawa ng mga rally sa mga itinalagang freedom park.

Binatikos ni Bagong Alyansang Makabayan secretary general Renato Reyes ang pahayag ni De Leon.

The SONA has been an annual occasion for the people to air their grievances and press government to act on pressing matters. General De Leon displays a narrow understanding of how democracy should work. All have the right to be heard, including critics of Marcos,” wika ni Reyes sa isang pahayag.

Those who disagree with Marcos and are opposed to his policies have the right to protest against the government,” dagdag niya.

Sinabi ni Reyes na ang pagtaas ng presyo ng gasolina at mga pangunahing bilihin, mababang sahod, pagkawala ng trabaho, paglobo ng utang, lumalalang agrikultura, paglabag sa karapatang pantao at katiwalian ay kabilang sa mga dahilan ng mga mamamayan na magsagawa ng mga protesta.

Sinabi ni De Leon na nakahanda na ang PNP para sa SONA ni Marcos sa Hulyo 25.

Wala pang natatanggap na banta ang pulisya sa ngayon, aniya.

LATEST

LATEST

TRENDING