
MANILA – Iginiit ni Vice President at Education Secretary Sara Z. Duterte noong Huwebes na ang pagpapatupad ng face-to-face classes sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa ay itutuloy sa darating na Nobyembre 2 upang matugunan ang kawalan ng pagkatuto.
Ginawa ni Duterte ang pahayag sa kabila ng mga panawagan para sa muling pagsasaalang-alang dahil sa mga panganib mula sa sakit na coronavirus (Covid-19) at ang maikling bakasyon ng mga guro para sa susunod na school year.
Sa isang panayam, sinabi ni Duterte na ang Department of Education (DepEd) Order 034 ay inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“Meron po tayong na-cite na study doon sa ating presentation sa Pangulo, and this is a published paper already na there are really, truthfully learning losses sa mga bata kapag sila po ay nasa online classes or nasa distance learning… Nakalagay pa doon na it is more pronounced and learners are disadvantaged at home. So ang ibig sabihin po noon, it is worse doon sa ating pamilya na naghihirap,” aniya.
Binanggit ng bise presidente na ang mga paaralan ay mayroon pa ring hanggang Oktubre 31 upang maghanda para sa ganap na paglipat sa isang in-person class setup.
“For August 22 until October 31, options are indicated in our Department Order. First is the five-day in-person classes. Secondly, the blended modality. This is where [schools may opt to do] three days in-person [classes] and then two days remote, or distance learning. And then after they can shift to four days of in-person classes and one-day distance learning. Or they can mix up,” wika niya.
Ngunit mula Nobyembre 2, lahat ng paaralan ay dapat mag face-to-face classes sa pagpapatupad ng “physical distancing hangga’t maaari.”
“The reason why we included the ‘physical distancing shall be implemented whenever possible’ is that, this is one of the considerations included because we don’t want to add, add on the burden of additional classes in schools due to distancing,” aniya.
Nangangahulugan ito na ang DepEd ay hindi magtatakda ng karaniwang sukat o kapasidad ng mga mag-aaral bawat silid, dahil iba-iba ang laki ng mga espasyo sa paaralan.
Bawal kumain ng sabay
Tinalakay din ni Duterte ang mahigpit na pagbabawal sa pagkain, dahil sa limitadong espasyo na maaaring magtaas sa posibilidad ng transmission.
“This is one of the instances, where we remove our face masks, so eating together, should be prohibited, and if the spaces are limited inside the schools, [learners] should be separated from each other by eating while facing the same directions. So [learners] will not be facing each other,” dagdag niya.
Hinikayat naman ng education chief ang mga magulang o miyembro ng pamilya, lalo na ang mga vulnerable, na mag-avail ng booster shots laban sa Covid-19 dahil ang mga bata ay may mas mataas ang recovery rate kaysa sa kanila.
Nabanggit niya na ang pagpapanatili ng minimum health protocols ay magiging malaking tulong kasama ng pagbabakuna.





