
MANILA – Nilalayon ng dating pinuno ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Sen. Mark Villar, na patuloy na isulong ang pangmatagalang mga reporma sa sektor ng imprastraktura sa kabila ng pagtatapos ng termino ni dating pangulong Rodrigo Duterte, habang ang baguhang mambabatas ay naupo sa kanyang puwesto sa Senado.
Inihain ni Villar ang “Build, Build, Build” Act na naglalayong i-institutionalize at lumikha ng 30-taong National Infrastructure Program para sa bansa.
Ito ay alinsunod sa kanyang pangako sa kampanya na tiyakin ang pagpapatuloy ng mga proyektong pang-imprastraktura mula sa administrasyong Duterte at mapabuti ang buhay ng mga Pilipino sa gitna ng pandemya at iba pang hamon, aniya noong Huwebes.
“I am certain that with the passage of this bill, we will encourage investors, facilitate job creation, boost economic growth, and most importantly, improve the quality of life in both the urban and rural areas of the country,” wika ni Villar sa isang pahayag.
Tiniyak niya na ang panukalang batas ay magdadala ng higit na kailangang pagpapabuti sa mga kalsada, tulay, at iba pang istruktura sa bansa habang nagbibigay ng libu-libong trabaho sa mga Pilipino.
“In the past six years, the Filipino people have seen and experienced the impact of the Philippines’ Golden Age of Infrastructure. The ‘Build, Build, Build’ program of the government resulted in the creation of hundreds of ports, thousands of roads and bridges, and millions of jobs,” wika ni Villar.
“As the country welcomes a new administration, it is important to keep the momentum going by uniting behind this advocacy and bringing it to new heights, not only for us but also for the generations to come.”
Ang “Build, Build, Build” bill ay naglalatag ng mga patakaran at estratehiya na dapat gawin ng gobyerno sa pagtukoy sa mga paunang pangunahing proyektong pang-imprastraktura na bibigyan ng prayoridad.
Sinabi ni Villar na tinutukoy nito ang papel ng mga ahensyang nagpapatupad sa pagbuo ng mahahalagang transportasyon, enerhiya, water resources, information and communications technology, social infrastructure systems, at iba pang basic overhead facilities ng bansa.





