Palasyo: Bongbong Marcos, inihahanda ang mga hakbang para mapigilan ang inflation

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nakahanda si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magsagawa ng mga hakbang na makatutulong sa pagsugpo sa inflation, inihayag ng Malacañang noong Martes.

Ito, matapos ihayag ng pribadong polling firm na Pulse Asia na idiniin ng karamihan sa mga Pilipino ang pangangailangang pag-kontrol ni Marcos sa inflation.

Napag-alaman ng Pulse Asia, sa survey nito noong Hunyo 24 hanggang 27, na 57 porsiyento ng mga Pilipino ang gustong gumawa ng agarang hakbang ang administrasyong Marcos upang mabawasan ang inflation.

Bilang reaksyon sa mga resulta ng botohan, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na alam na ni Marcos na ang pagtaas ng inflation ng bansa ay maaaring isang “potensyal na problema.”

Kaya naman, si Marcos, sa kanyang unang pagpupulong sa kanyang Gabinete noong Hulyo 5, ay tinalakay ang ilang mga hakbangin upang pigilan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ani Angeles-Cruz.

We actually discussed inflation at the last Cabinet meeting and the president himself reported this, so he is actually ahead of the publication of the survey having anticipated this as a potential problem,” aniya sa isang text message na ipinadala sa mga mamamahayag ng Palasyo.

Ang inflation ng Pilipinas ay umakyat sa tatlong taong mataas sa 6.1 porsiyento noong Hunyo mula sa 5.4 porsiyento noong Mayo at 3.7 porsiyento noong nakaraang taon sa gitna ng mas mataas na gastos sa pagkain at transportasyon, ayon sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority.

Sinabi ni Marcos, sa isang panayam sa media noong Hulyo 5, na inatasan niya ang lahat ng tanggapan ng gobyerno na sundin ang “central policy” na gagawin ng kanyang economic team.

Dagdag pa niya, ang pagtaas ng inflation ng bansa ay nangangailangan ng maingat na paghawak at mahigpit na pagsubaybay.

LATEST

LATEST

TRENDING