Marcos, nagpositibo sa Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Inihayag ng Malacañang nitong Biyernes na nagpositibo sa Covid-19 si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang antigen test.

He has a slight fever, but he is otherwise okay. Those in close contact with him are currently being informed by the Presidential Management Staff to observe their symptoms,” wika ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa isang briefing.

Idinagdag ni Angeles na ang panganay na anak ng pangulo na si Rep. Sandro Marcos (Ilocos Norte), ay nagnegatibo sa Covid-19. Ang iba pa sa unang pamilya — ang kanyang asawang si Liza, at ang kanilang mga anak na sina Simon at Vincent — ay nasa labas ng bayan at hindi pa na-expose.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang isang antigen test ay magiging tumpak na kung ang isang indibidwal ay nagpapakita ng mga sintomas. 

Noong 2020, nagpositibo din si Marcos sa Covid-19.

LATEST

LATEST

TRENDING