VP Sara, nagbukas ng mga satellite office

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Binuksan ng Office of Vice President Sara Duterte ang mga satellite office sa buong bansa para matulungan ang mga tao sa labas ng Metro Manila, partikular ang mga nakatira sa malalayong lugar, na makakuha ng mas madaling access sa mga serbisyong panlipunan.

Sinabi ni Vice Presidential Spokesperson at Atty. Reynold Munsayac na ang OVP satellite offices ay binuksan sa mga lungsod ng Dagupan, Cebu, Tacloban, Zamboanga, Davao, at Tandag sa Surigao del Sur.

Ang mga satellite office ay inilunsad noong Hulyo 1, ang unang araw ng termino ni Bise Presidente Duterte. Ang mga opisinang ito ay bukas sa publiko sa oras ng opisina mula Lunes hanggang Biyernes.

Sinabi ni Munsayac na ang pagbubukas ng mga satellite office ay bahagi ng “taimtim na pagsisikap” ng bise presidente upang matiyak na mas malapit ang OVP sa mga tao.

These satellite offices were opened to assist individuals to access help, and for swifter response in times of disasters,” sinabi ni Munsayac sa isang pahayag noong Lunes. ni Munsayac sa isang pahayag noong Lunes.

Sa pagtatatag ng mga satellite office, hindi na kailangan pang bumiyahe sa Metro Manila ang mga taong gustong personal na makita ang Bise Presidente. Ang mga manager na nakatalaga sa mga satellite office na ito ay maaaring magbigay ng tulong na kailangan ng publiko.

Ang mga satellite office ay hindi naka-set up sa bawat rehiyon ngunit madiskarteng pinili para sa kanilang lokasyon. Ang isang pangunahing konsiderasyon ay ang kanilang kalapitan at accessibility sa ibang mga lugar o isla. Ang mga karagdagang opisina ay dapat idagdag sa sandaling ang unang anim na lugar ay ganap nang gumagana.

Ang mga itinalagang manager sa bawat OVP satellite offices ay sina Michael Angelo Sotto Saavedra para sa Zamboanga, Ma. Constancia Corominas – Lim para sa Cebu, Regina Generose Tecson para sa Davao, Alan Tanjuakio para sa Tacloban, Rolmar F. Basalan para sa Surigao, at Marc Brian C. Lim para sa Dagupan.

LATEST

LATEST

TRENDING