PBBM: Mga gov’t worker katuwang sa pamamahala

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA – Dumalo nitong Lunes si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang unang flag-raising ceremony bilang pangulo ng bansa, umaasa na magkakaroon siya ng magandang relasyon sa mga manggagawa ng gobyerno.

Idinaos ang flag-raising ceremony sa Kalayaan Grounds ng Palasyo ng Malacañang.

Sa kanyang talumpati, kinilala ni Marcos ang mga manggagawa ng gobyerno sa pagtataguyod ng interes ng publiko kaysa sa personal na interes, lalo na sa pagganap ng kanilang mga tungkulin.

I know how hard that you work at ginagawa ninyo bilang serbisyo at hindi kayo namimili, kung hindi kayo ay sumusunod kung sinuman ang napili ng ating mga mamamayan na umupo dito sa Palasyong ito,” wika niya.

Sinabi niya sa mga manggagawa ng gobyerno na asahan ang mga pagbabago sa istilo ng pamumuno sa ilalim ng kanyang administrasyon, ngunit ginagarantiyahan niya na makikipagtulungan siya sa kanila bilang “mga kasosyo” sa pamamahala.

“Alam niyo naman kani-kanilang style ‘yan. So may magbabago pero huwag ninyong aalalahanin…Hindi kayo ang empleyado namin. You are our partners. Hindi namin magagawa iyong gagawin namin kung hindi sa inyo,” dagdag niya.

Muling iginiit ni Marcos ang panawagan para sa pagkakaisa sa pagtulong sa kanya na tugunan ang mga problema ng bansa, at sinabing hindi niya magagawa ang lahat ng mag-isa.

“Marami kasi tayo — hindi naman kasi simpleng bagay ang trabahong ibinigay sa atin. Kaya naman kailangan natin at siguro naging tama talaga ang mensahe noong kampanya na magkaisa. Kaya’t pagkaisahan natin ito at kakayanin natin ito,” aniya.

Inatasan niya ang mga manggagawa ng gobyerno na “ipagpatuloy ang mabuting gawain” na ginagawa noong mga nakaraang taon.

“Gawin lang natin ang ating mga trabaho. And siguro one or two steps beyond kung ano lang ‘yung trabaho natin dahil ‘yan ang inaasahan sa atin ng ating mga kababayan,” dagdag niya.

Pinaalalahanan sila ni Marcos na bawat aksyon o desisyon na gagawin ng gobyerno ay nakakaapekto sa buhay ng milyun-milyong tao.

When you sit at your desk and you do something and you make a decision or you push something or you expedite something that affects not only you, not only me, that affects millions of people. Kaya’t napakaimportante na itama natin ‘yang ating gagawing trabaho,” aniya.

Sa isang press briefing ng Palasyo, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na apat na araw nang naninirahan si Marcos mula nang siya ay manumpa bilang ika-17 Pangulo ng bansa sa National Museum sa Maynila noong Hunyo 30.

So far, he is upbeat. That’s the observation we have made. He’s very encouraging, he attended today’s flag ceremony of course, as required. What I can say he’s always well-received so when he attended the flag (ceremony) medyo nakaka excite din (it was also exciting) to be with people who are working with him,” wika niya.

LATEST

LATEST