Marcos nais palakasin ang PH-China bilateral ties sa ‘mas mataas na antas’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA – Hinangad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na dalhin ang bilateral ties ng Pilipinas sa China “sa mas mataas na antas.”

Ginawa ni Marcos ang pangako sa kanyang pakikipagpulong kay Chinese Vice President Wang Qishan sa National Museum of Fine Arts sa Lungsod ng Maynila noong Huwebes.

Itinuring ni Marcos, batay sa pahayag na inilabas ng state-run na Xinhua News Agency ng China, ang China bilang “the most powerful partner of the Philippines.”

Sinabi ni Marcos na ang “mabuting pakikipagkaibigan” ng Pilipinas sa China ay nasa pangunahing interes ng parehong bansa, wika ng Xinhua.

The new Philippine government attaches utmost importance to the relations with China, and is willing to deepen its participation in the joint construction of the Belt and Road, join hands with China in coping with regional challenges, and elevate the bilateral ties to a higher level,“wika ni Marcos, tulad ng sinipi ng Xinhua.

Sinabi rin ni Wang kay Marcos na siya at ang kanyang pamilya ay gumawa ng “malaking kontribusyon sa pagpapahusay ng pagkakaibigan ng China-Philippines.

Ipinahayag din niya ang pagpayag ng China na makipagtulungan sa Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni Marcos.

Isinaad ni Wang, “the Chinese side has always given priority to the Philippines in its neighborhood diplomacy, and is ready to work with the new Philippine government in carrying on their friendship, boosting mutual trust and deepening cooperation so as to usher in a new ‘golden age’ in bilateral ties.

Sa isyu ng mga alitan sa South China Sea sa pagitan ng dalawang bansa, idiniin ni Wang ang pangangailangan ng mga partido na “wastong lutasin ang mga pagkakaiba at sama-samang pangalagaan ang kapayapaan at katahimikan” sa pinagtatalunang karagatan.

Dapat din aniyang itaguyod ng dalawang bansa ang internasyonal na pagkakapantay-pantay at hustisya, at magkatuwang na isulong ang kapayapaan at kaunlaran sa Asya, gayundin ang kaayusan ng sangkatauhan.

The Chinese vice president said that both sides should develop bilateral relations under the guidance of the two heads of state, who will steer the course of the development of bilateral ties,” ayon sa pahayag.

Sa isang hiwalay na pahayag, sinabi ng Xinhua na nagpadala ng congratulatory letter si Chinese President Xi Jinping kay Marcos.

Nangako si Xi, sa kanyang mensahe ng pagbati, na ipagpapatuloy ang magandang relasyon sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Xi said he is ready to work with Marcos to chart the course for the development of bilateral ties from a strategic and long-term respective, and continue to write a great chapter of the China-Philippines friendship and cooperation for the new era, so as to benefit the two countries and their people,” wika ni Xinhua.

Naglabas ang Radio Television Malacañang ng maikling video clip ng courtesy call ni Wang kay Marcos.

Wala pang detalye ang Malacañang sa pagpupulong nina Marcos at Wang, isa sa mga dayuhang dignitaryo na dumalo sa inagurasyon ni Marcos bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas.

Bukod kay Wang, bumisita rin kay Marcos sa National Museum of Fine Arts sina Thai Deputy Prime Minister Don Pramudwinai, Japanese Foreign Minister Yoshimasa Hayashi, Australian Governor General David Hurley, at United States Second Gentleman Douglas Craig Emhoff.

LATEST

LATEST