Duterte iginiit muling protektahan ang mga pulis, sundalo kahit matapos ang termino

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong Huwebes na patuloy niyang poprotektahan ang mga opisyal ng pulisya at militar na nahaharap sa mga kaso kahit na siya ay bumaba sa puwesto ngayong Hunyo 30.

Sinabi ni Duterte, isang abogado at dating prosecutor, na makakapagbigay siya ng libreng legal na tulong kung sila ay maling inakusahan ng paggawa ng mga pang-aabuso habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin.

Even if I’m no longer a mayor or a President, if it is done in the performance of duty, tutulungan ko kayo maski saan, abugado ako. Ilulusot ko kayo,” aniya sa isang talumpati sa paggawad ng Madayaw Residences Units sa Davao City.

Nagpahayag siya ng kumpiyansa na magagawa niyang bigyang-katwiran ang kanilang mga aksyon, lalo na kung ito ay may kinalaman sa “pag-aresto o pakikipaglaban nito sa mga kriminal at NPA (New People’s Army).

“Makapatay kayo ng lima, anim diyan. You know, one burst of the Armalite, brrtt, iba-iba ang matamaan, pati inosente. Do not worry. That is part of the territory of fighting. I will be there to support you,” dagdag niya.

Pinarangalan din ni Duterte ang pulisya at militar sa pagtulong sa kanya na gawing mas magandang tirahan ang Davao City.

Without the support of the police and the military in the early days of my mayorship, I could not have succeeded. Davao would not be this beautiful, industrial buildings that would make our people happy,” aniya.

Samantala, hinimok niya ang International Criminal Court (ICC) na itigil ang pagbabanta na imbestigahan ang mga umano’y krimen laban sa sangkatauhan na isinagawa sa kampanya ng administrasyon laban sa ilegal na droga.

“Ang ICC, nakikinig man kayo, huwag na kayong mag-drama ng idemanda-idemanda niyo,” aniya.

Nanindigan siya na ang karahasan at takot ay kailangan sa pagpapatupad ng batas, partikular sa drug war.

Pormal na tinapos ng Pilipinas ang ugnayan nito sa ICC noong Marso 17, 2019, o eksaktong isang taon matapos ang pagbasura sa Rome Statute.

Iginiit ni Duterte na walang hurisdiksyon ang ICC para imbestigahan ang drug war dahil gumagana ang sistema ng hustisya sa Pilipinas.

LATEST

LATEST

TRENDING