Mahigit P378M HCW Covid-19 benefits ang hindi pa nali-liquidate

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Mahigit P378 milyong halaga ng mga benepisyo ng Covid-19 ng mga health care worker ang hindi pa nali-liquidate, iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Martes.

Batay sa datos ng DOH, may kabuuang P378,005,551 ang inilaan para sa Special Risk Allowance (SRA), meals, accommodation and transportation (MAT) allowance, One COVID-19 allowance (OCA) ng mga health worker ang hindi pa nali-liquidate ng health facilities, mga local government unit at pribadong ospital.

Sa talaan, ang unliquidated funding para sa SRA ay umabot sa P174,771,486, P41,207,700 para sa MAT at P162,026,355 para sa OCA.

Hinimok ng DOH ang mga health facility at pribadong entity na agad na i-liquidate ang mga benepisyong ibinibigay sa mga medical frontliners.

These cash benefits should be distributed to the rightful beneficiaries. Health workers deserve to be paid on time,” wika ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Aniya, ilang ospital ang hindi nagliquidate sa mga pondong inaprubahan ng mga rehiyonal na tanggapan ng DOH.

That’s why we cannot still release the money to the health care workers. We are trying to facilitate process. Secretary Francisco Duque wants to speed up the process. The money is there. What should be done is for the DOH and hospitals to coordinate. They have to submit the requirements and we will process it as soon as possible,” wika ni Vergeire.

Nauna rito, sinabi ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc. na hindi pa nakukuha ng mga miyembro nito ang pondong inilaan para sa Covid-19 benefits ng kanilang mga manggagawa.

Migrasyon ng mga Nars

Samantala, isang grupo ng mga Pilipinong nars ang nagsabi na ang pagkabigo ng pamahalaan na ipakita ang kanilang pagpapahalaga sa mga nars at iba pang manggagawang pangkalusugan ay nagdulot ng malawakang paglipat ng mga nars sa ibang bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ng Filipino Nurses United (FNU) na nabigo ang gobyerno na tugunan ang mga isyung kinakaharap ng mga nars.

Sinabi ni FNU national president Maristela Abenojar na matagal na nilang hinihiling sa gobyerno na bigyan ang mga nurse ng P50,000 bilang entry salary sa mga pampubliko at pribadong ospital.

Sinabi ni Abenojar na dapat tiyakin ng gobyerno ang isang nurse-to-patient ratio upang matugunan ang problema ng malubha at talamak na kakulangan ng kawani, gayundin ang gawing regular ang lahat ng mga kontraktwal na nars.

Ikinalungkot din ng grupo na sa 172,589 locally employed nurses, 106,694 mga nars sa pribadong sektor ang tumatanggap lamang ng P537 kada araw sa National Capital Region.

In the government sector, nurses have relatively higher pay but suffer from work overload in the same way the private sector nurses do,” wika ni Abenojar.

Sa pagbanggit sa datos ng DOH, sinabi ng grupo na 60 porsyento ng health worker ang hindi pa nakatanggap ng kanilang mga benepisyo sa Covid-19.

Noong Disyembre 2021, 316,415 sa 915,219 na mga rehistradong nars sa Pilipinas ang nag-migrate.

LATEST

LATEST

TRENDING