
MANILA — Inihayag ng Commission on Elections na bagama’t nanumpa na si vice president-elect Sara Duterte, hindi niya pa muna magagampanan ang kanyang posisyon.
Sinabi ni Comelec spokesman John Rex Laudiangco na ang vice president-elect at lahat ng nanalo sa May 9, 2022 elections ay magsisimula ng kanilang termino sa tanghali ng Hunyo 30.
Ang inagurasyon ni Duterte ay ginanap kahapon sa Davao City, kung saan siya nagsilbi bilang alkalde bago tumakbo sa pagka-bise presidente.
Nauna nang sinabi ng Comelec na hindi ilegal kung manumpa si Duterte bago ang Hunyo 30.
Ang sinumang mananalong kandidato, ani Comelec, ay maaaring manumpa nang maaga.
Hinimok noong Linggo ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) si Duterte, ang education secretary-designate, na tuparin ang pangako ng kanyang ama na si Pangulong Duterte, na sapat na taasan ang suweldo ng mga guro.
Inilabas ng ACT ang pahayag sa oras ng inagurasyon ni Duterte sa Davao City, 11 araw bago siya pormal na umupo sa pwesto.
“For one, she should push for significantly increasing teacher’s salaries to correct the distortion in the government salary scheme where teacher’s pay lag behind those of uniformed personnel and nurses,” wika ni ACT spokesperson Vladimer Quetua.
“This will relieve teachers of burdensome loans, improve their living conditions, lift their morale, and ultimately improve the quality of teaching and of education,” dagdag niya.
Nangako ang papaalis na Pangulo na tataasan ang suweldo ng mga guro sa panahon ng kanyang kampanya sa pagkapangulo noong 2016.
Ngunit nanatili itong hindi natupad, dahil ang pinakahuling pagtaas ng sahod na natanggap ng mga guro sa pampublikong paaralan mula 2016 hanggang 2019 ay ibinigay sa ilalim ng Salary Standardization Law na inaprubahan ng yumaong dating pangulong Benigno Aquino III.
Hinikayat din ni Quetua ang papasok na bise presidente na tugunan ang mga hindi nabayarang obligasyon ng gobyerno sa mga guro, na binabanggit ang overtime pay para sa 77 labis na araw ng trabaho na kanilang ibinigay para sa school year 2020-2021.
Hinimok din siya na atasan ang Comelec na agad na magbayad ng karagdagang honorarium ng mga poll worker na nagbigay ng pinalawig na serbisyo sa halalan noong May 2022 elections.
“She can also support the demands of teachers as well as other sectors to suspend the PhilHealth premium increase,” dagdag ni Quetua.
Bukod sa pagtugon sa suweldo at kapakanan ng mga guro, hinimok din ng ACT si Duterte na lutasin ang kasalukuyang krisis sa pag-aaral, at sinabing ito ay dahil sa mga pagsasara ng paaralan na ipinatupad dahil sa COVID-19 pandemic.
“Objectively evaluating the current education situation thru nationwide student assessments and consultations with education stakeholders can effectively guide measures for addressing the learning crisis that plague our education system. We hope that VP-elect Duterte is up to these challenges and truly help our teachers and the whole (of) education,” dagdag ni Quetua.
Inihayag ni Duterte noong Sabado ang kanyang mga prayoridad bilang incoming education chief.
“First is the effect of the pandemic to our learners since they did not participate in face-to-face classes for a long time. Second, the question on sending them all back to school… full on face-to-face classes. And then, number three, thorough discussion on the K-12 program,” wika niya
Nakatakdang makipagpulong si Duterte kay outgoing Education Secretary Leonor Briones para talakayin ang transition.





